Emman: hala. Nakukulangan ako sa storya. Wala naman ako maisip na pede ko pang idugtong. Hahaha! Ano ba ito. Para akong tanga. Isip... isip... isip...! hehehe. Kaya mo yan tol. Wala ka nang choice. Hahaha!
Naalarma ako bigla sa tinuran niya. Hindi ko inaasahan ito. Hindi pa ako nakakapagisip nang sasabihin ko at paano ako maguumpisa pero kakausapin na niya ako. “anong gagawin ko?” tanong ko sa sarili ko. bahala na. “ sige.” Nasabi ko na lang.
“doon tayo sa labas.” Yaya niya at tumayo ito. “anak, dito ka muna ha, kakusapin ko lang si tito emman ha.” Pagpapaalam nito sa anak. “wag kang malikot ha.” Ang malambing nitong sabi.
“ mommy, natatakot ako. Wag mo ako iwan mommy!” ang malungkot na sagot nang bata. Naawa naman ako bigla.
“anak, babalik ako huwag kang magalala. Iiwan kita kay lola Metring at kay lola Flor mo. Hindi ka nila papabayaan pangako.” Pagpapakalma nito sa takot nang anak.
Tumango na lang ang bata at yumuko.wala na itong nagawa pa. Niyakap naman siya agad ni Aling metring para iparamdam na safe ito sa tabi niya.
“ako na ang bahala dito. Ako muna ang titingin sa kanya.” Ang mungkahi naman ni Jeff sabay lapit at upo sa tabi neto.kinandong at kinausap.
“huwag kang magalala. Andito lang si tito Jeff. Hindi kita iiwan. Ano nga ulit pangalan mo? Tanong ni jeff.
“bryan po.” Ang maikling sagot nang bata. Nahihiya ito. Nakatungo lang.
“ doon tayo sa labas.” Yaya ni Jenny . bumili muna kami nang makakain at napagpasyahang maupo sa isang bench kaharap ang maaliwalas na view tanaw ang kalsada papasok nang hospital. nasa mataas na bahagi nakatirik ang malaking hospital na dati’y burol. At ginawang tambayan ang labas nito para makita ang buong view sa baba. Marahil sinadya para ang mga dinadala sa hospital ay mabawasan ang sakit kapag nakikita ang magagandang mga tanim na nagkalat sa buong paligid nang hospital. akala mo isang botanical garden sa iba’t ibang uri nag halamang namumulaklak. Hindi mo aakalaing hospital ito sa ganda nang landscape. Umupo kami sa bench kaharap ang isang punong napapalamutian nang ibat ibang namumulaklak na orchids. Magkatabi. Magkadikit ang katawan.
“ patawarin mo sana ako sa ginaw ko sayo emman. Hindi pa ako handing magpakasal noon. Isa pa, ayaw kong ipaako syo ang bunga nang isang pagtataksil. Hindi ko maaatim na sayo ko ipapabalikat ang mga katangahan ko. sapat na ang makita ang totoong pagmamahal mo sa pagtanggap sa kalagayan ko.” umpisa neto.
Tahimik lang ako at nakikinig. Parehong nakatingin sa malayo.
“pinapunta ako ni Aling metring sa kanila sa bicol. Doon ako tumuloy sa bahay nila sa pakiusap ko. ayaw kong isilang ang anak ko sa bahay namin. Ayaw kong maranasan niya kung anong klaseng buhay meron ako. Isa pa, natatakot ako na baka ipalaglag ni papa ang bata kapag nalaman niya na buntis ako.”dagdag nito.
“bakit hindi ka nagpaalam sa akin? Maiintindihan ko naman ang lahat eh. Matatanggap ko naman kung sakaling ayaw mong ituloy ang kasal.” Saad ko. naluluha man pero pinigil ko na lang. Masyado nang matagal ang nangyare at nakalimot na ako sa palagay ko. isa pa. Hindi ako dapat magpakita nang kahinaan. Matapang ako sa lahat nang bagay na siyang nagustuhan niya sa akin noon. Na siyang dahilan kaya niya ako sinagot. Na siyang dahilan kaya niya rin ako siguro iniwan. Pero tapos na ang lahat. Nagbago na ang lahat. Lalo na siya. Ibang iba na siya ngayon. Kung noon bawat salubong ko sa kanya para sabay kaming pumasok sa eskuwelahan ay mangiyak ngiyak ito sa pagsusumbong sa akin sa malupit niyang ama. Na kesyo malandi daw siya at laging may kasamang lalake at pinagbabantaan na hindi na papatapusin nang pagaaral kung magaasawa din lang agad dahil sayang lang ang perang ginagastos nito. Na sugurin siya nang kanyang ama sa bahay nang kaeskwelahan namin kapag inaabot ito nang hating gabi kahit wala namang ginagawang masama at tinatapos lang ang mga project namin para maihabol sa deadline kinaumagahan at todo iyak ito maghapon sa school sa kahihiyang inaabot pagkatapos. Ang minsang pagpapahiya nito sa harapan nang buong klase kinaumagahan dahil sa pagtulog nito sa bahay nang isa naming kamagaral sa galit nito sa ama at inakalang sa lalake ito nakitulog at binitiwan nang masasakit na salita na akala mo isang bayarang babae.
“alam kong hindi ka papayag emman kaya minabuti kong sa sulat ko na lang tapusin ang lahat. Walang hindi makakahindi sa iyo lalo na sa mga paliwanag mo sa lahat nang bagay at problema. Ang pagsasakripisyo mo para lang sa akin. Hindi ko maaatim emman na pati ikaw ay magdusa. Napakabuti mong tao at hindi ako bagay sayo emman. Mas maraming babae diyan na karapatdapat para sayo.isa pa, gusto kong patunayan na kaya kong tumayo at mabuhay na magisa nang hindi humihingi nang suporta sa magulang ko. pinilit ko lang tapusin ang pagaaral ko para kahit papano hindi ako mahihirapan kung sakali bago ako tuluyang umalis sa poder nina papa. Nagkataong sa masamang paraan lang ang pagalis ko at magiwan nang isang kahihiyan sa pamilya lalo na sayo, ang saktan ka pero wala na akong choice kundi umalis para itago kay papa ang pagbubuntis ko.” Pahayag nito.
“naiintindihan kita Jenny.” ang masakit pero maluwag kong pagtanggap sa kanyang sinabi. Hindi na ako nakaimik ulit.
“ isa pa, may aaminin ako sayo. Hindi totoong galing kay Clark ang bata. Pagsisinungaling ko lang iyon para iwanan mo ako.” Napatingin ako sa kanya. Nagulat. Umaagos na ang luha nito sa mga pisngi pero banaag pa din ang katatagan. Akala mo wala nang problemang magpapatumba pa sa kanya. “ hindi totoong sumama ako sa kanya noong gabing nagpunta ako sa bar para ilabasa ang galit ko kay papa. Ginahasa ako emman.” Natigilan ako sa sinabi niya. Lalong naawa sa kanya. Niyakap ko siya pero kumalas din siya pagkatapos. “ tapos na iyon emman. Huwag kang magaalala.” Saad niya. “ oo nagkita kami noon sa loob nang bar pero nauna siyang umuwi. Wala akong balak umuwi noon kaya inabutan ako nang pagsasara nang bar. Palabas na ako noon at hindi alam kung saan pupunta nang may humila sa akin at pilit isinakay sa kotse. Wala ako nagawa kundi sumama dahil nanghihina ako. Kontrolado niya ang lahat. Babae lang ako. Dinala niya ako sa isang motel at pinagsamantalahan. Wala na ako nagawa kundi magpaubaya kahit tutol ako sa pambababoy niya. Gulong gulo ako noon. Galit sa akin ang papa ko sa lagi niya akong ipinapahiya kung saan niya ako makita. Sa mall sa school at kahit sa kalsada tapos ang masaklap ang babuyin ka nag di mo kilala. Ang kunin ang pagkabirhen mo nang sapilitan na inilalaan ko sa taong mamahalin ko, sa taong papakasalan ko. daig ko pa ang ibinabaon sa hukay nang buhay sa mga sandaling iyon. Wala akong malapitan nang tulong, wala akong matawag na sasagip sa akin. Pati ang diyos ay iniwan ako sa mga sandaling iyon at inihain sa demonyo ang aking katawan. Masakit emman pero wala ako nagawa. Iniwan na lang ako sa loob nang motel nang hindi alam kung ano ang gagawin pagkatapos. Mula noon, ipinangako ko sa sarili ko na na hindi na ako magiging mahina. Na kakayanin ko ang lahat anumang pagsubok sa buhay na magisa. At alam kong mabibigo ako kapag ikaw ang makakasama ko. dahil mas malakas ka sa akin. Kaya napagdesisyunan kong sarilinin ang lahat at magsinungaling sayo.” Ang mahaba nitong salaysay.
Niyakap ko na lang siya ulit dahil sa awa. Ang baba nang tingin ko sa aking sarili. Ako ang nanliliit sa aming sitwasyon. Sa akin siya kumukuha nang lakas pero mas malakas pa pala siya sa akin. Mas matatag. At alam kong mas malakas siya ngayon. Hindi na siya katulad dati na puro iyak lang. Ngayon lumalaban na at tingin sa lahat nang bagay at madaling lusutan. Tama siya. Tapos na at nangyare na. Wala na kaming magagawa pa. Ang importante. Ang kasalukuyan at ang bukas at tanggapin ang lahat.
“ eh si Bryan, kumusta?” tanong ko.pinilit kong magpakatatag. Ngayon sa kanya naman ako kukuha nang lakas.
“binyag nga niya kahapon sabay birthday. Kaso dumating si papa at ginulo ang lahat. Pati birthday nang anak ko ginulo pero ok na yun. Tapos na.” Saad niya.
“ tatlong taon na siya pala. Wala man lang akong regalo sa inaanak ko.” sabay tawa. Natawa din siya.
“ inaanak na agad ngayon mo lang nakita.” sabad niya. Nagtawanan na lang kami.
“ paano pala kayo natunton nang mga magulang mo?” tanong ko.
“si aling Metring, narinig siya ni papa sa telepono na kausap ko.” sabinito.
“ s Aling Metring talaga, sa papa mo pa siya nagpabuko samantalang sa akin ayaw niya magsalita.” Tawa ko.
“buti nga sayo.” Biro nito at napagdesisyunan naming bumalik na sa loob nang hospital.
Inabutan naming nagkukulitan ang dalawa. Masayang masaya. Nanonood naman si aling Metring sa dalawa at nakangiti. Nakaupo na din si Mrs Costales sa Bench at nakangiting pinapanood ang masayang masayang apo. Nagtatatakbo ang bata sa pasilyo at hinahanol habol ni Jeff at nang makita kaming palapit masayag lumapit ang bata.
“ andito na mommy ko.” sigaw nito sabay yakap sa ina.
Hinalikan naman nito sa lips ang anak at niyakap yakap. Punong puno nang pagmamahal. Nakainggit. Gusto ko tuloy magkaroon din nang junior sa isip isip ko.
“ may regalo ako sa birthday boy!” ang masaya kong bati. Inabot ko ang mahabang Tobleron na binili ko sa Grocery shop sa labas nang hospital. masayang masaya naman ang bata na inabot ang pasalubong ko.
“ wow. Paborito ko ito. Salamat Ninong Emman.” Masayang sagot nito.
“ wait lang.” Sabad ni Jeff. “ hati tayo. Dapat meron din ako niyan.” Inggit na sabi ni Jeff Na parang bata. Paborito din kase nito. Kahit bata aagawan nito sigurado ako. Tawanan kami.
“oo naman ninong. Bibigyan kita basta ibilhan mo ako at gusto ko dalawa na.” Ang pilyo nitog sagot. At inagaw na ni Jeff ang Tobleron at hinati sa dalawa it ibinalik ito ang kalahati.
Tawanan ang lahat.
“ hala mommy oh. Ang daya. Hinati talaga. Mommy pagalitan mo si ninong Jeff.” Sumbong nito. “ oh sige, apat na kapalit iyan ha.” Ang bawi nito.
Tawanan ulit ang lahat.
“sandali, bakit ninong na tawag mo sa amin?” tanong ko. “ang bilis yata ah.”
“ nasabi ko kase birthday ko at binyag ko kahapon eh hindi daw siya papaya na hindi ninong ang itawag ko sa kanya pati kay ninong emman.” Sagot nang bata. “ tsaka ililibre daw niya ako bukas at dadalhin sa park kaya pumayag na ako.” Dagdag nito. Tawanan ang lahat.
Saktong napadaan ang isang magasawa at napansin ang batang buhat buhat ni Jenny. lumapit sila at tinititigan ang bata.
“ Rob honey, kamukhang kamukha ni Bryan ang bata. Hindi ako pwedeng magkamali. Kahawig na kahawig niya nung bata siya.” Saad nang mukhang may kayang babae. Nagulat kami sa tinuran niya.
“ excuse me maam, this is my baby!” ang matigas na saad ni Jenny. nagitla naman ang babae sa inasta nito.
Hinila na siya nang asawa nito at mabilis na umalis pero hindi pa din maalis ang tingin sa bata. Napansin kong natakot si Jenny pero hindi nito ipinahalata sa amin.
“ bryan po ang pangalan ko!” ang habol na sagot nang bata.
Mabilis namang tinakpan ang bibig nito nang kanyang ina. Inignora na lang naming ang nangyare.
Lumapit na din si Mrs. Costales at matamis ang ngiting ibinalitang stable na daw ang asawa pero sa kasamaang palad aabutin ang lingo bago ito tuluyang makarecover. Umuwi na kami ni jeff pagkatapos magpaalam sa pamilya. Dumiretso ako sa bahay at umuwi na din si Jeff sa kanila. alauna na nang hapon nang makarating ako sa bahay.
“hindi ba sinabi ko sayo na huwag na huwag ka nang makipagkita sa Jenny na iyon?” ag malakas na boses ni papa pagkakita sa akin. Papasok pa lang ako nang pinto nang naghihintay pala sial sa akin sa sala. Katabi nito si mama.
Nagulat ako sa narining ko. hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam paano nakarating ang balita sa kanila.
“ kinumusta ko lang po sila papa. Wala pong ibang ibig sabihin noon.” Paliwanag ko.
“ akala mo hindi ko alam ang lahat. Na patuloy pa din ang paghahanap mo sa Jenny-ing iyon. At ngayon dumating siya umaasa ka pa din at pinuntahan mo talaga siya para makipagayos. Lumayas ka dito!!! At huwag ka nang magpapakita!!!” galit na sabi ni papa.
Umiiyak na si mama. Walang magawa kundi ang tumahik. Kapag ganung galit na si papa, wala na itong magawa kundi ang tumahimik. Luhaan akong lumabas nang bahay. Masakit ang loob. Kung kalian ok na ang lahat. Kung kalian natuldukan na ang matagal nang bumabagabag sa akin tsaka naman ito dumating sa buhay ko. ang magalit nang tuluyan si papa sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko. hinabol na lang ako ni mama para pigilan pero wala na itong nagawa kundi ang pabayaan ako sa pagpupumilit ko. iniwan ko itong umiiyak sa labas nang pinto. Tahimik lang si papa at galit pa din ito. Tinungo ko ang bahay nina Jeff. Wala naman akong ibang alam puntahan kundi sa kanila. ang bahay lang nila ang pangalawa kong tahanan. Ang alam kong puwedeng kumupkop sa akin. Ang puwedeng tumanggap sa akin. Umiiyak akong pumasok sa kanilang bahay. Nagulat si nanay pagbungad sa akin. Nataranta siya. Lumapit naman agad si Jeff at iniwan ang lamesa at kinakain.
“ naku nanay, nalaman na yata ni papa ang kalokohan niyan.” Sabay iling iling.
“ tarandato ka. Pinalayas na nga ako pati ikaw gaganyanin mo pa ako.” Umiiyak ko pang sabi. Na parang bata.
“ anak, huwag moi nang gatungan.” Ang galit naman nitong sabi kay Jeff.
“kaya nga nanay. Tarantado yan. Kinakampihan pa si papa samantalang ako ang kaibigan.” Pagsusumbong ko.
“ ikaw naman, di ka na mabiro. Pano na ngayon yan? Kung kalian hindi ka na namomroblema kay Jenny at handa ka nang bitawan siya tsaka naman nalaman nang papa mo ang nangyare.
“kaya nga eh.” Sagot ko. “hindi ko alam ang gagawin ko tol. Nanay, tulungan niyo ako.” Yakap ko na kay nanay. Naguguluhan ako. Ayaw kong magalit si papa sa akin.” Pagmamakaawa ko.
Saktong paguwi naman ni tatay Rogelio galing sa mga kaibigan nito sa kabilang kanto at nagulat sa nadatnan. Nagsumbong naman agad ang magina sa nangyare. Nagalit ito.
“ ano? Halika, sundan mo ako at ipapakita ko sa papa mo kung paano magalit ang tatay mo. Mas malaki yata ang katawan ko sa kanya at bugbog ang abot yun sa akin. Tingnan natin kung hindi lumambot yun. Hindi ako paapyag na ganyanin ang mga anak ko.Halika!” at sabay labas nang bahay. Nakainom pa naman ito nang konte.
Hindi na kami nakaimik. Napatigil ako sa pagiyak at natakot sa binitiwang salita. Malaking gulo na ito kung sakali. Unang beses ako nito ipagtanggol sa tunay kong ama at nanakot pa. Lumabas kaming lahat at sinundan si tatay. Pinilit naming itong maghunus dili at huwag nang ituloy ang balak pero hindi ito napaawat. Maya’t maya pa’y nasa tapat na nang bahay na kami.
“ hoy Zandro!!! Lumabas ka diyan. Magtutuos tayo!!!” sigaw ni tatay sa labas nang pinto.
Lumabas naman sina papa katabi nito si mama. Banaag ang takot kay mama.
“ at nagsumbong pala sayo yang anak anakan mo!” ang matapang na sagot ni papa.
“ oo. Sa amin siya nagsasabi nang kanyang saloobin. Hindi kagaya mo na masyadong perpekto at pati ag anak mo lumalayo ang loob sayo at ang masaklap ipagtabuyan mo pa. Gusto mo bang makatikim sa akin? Ang mataas na sigaw ni tatay. Hindi naman kami magkandaugaga sa pagpigil sa kanila. mahirap na. Baka magsuntukan pa ang dalawa. Pareho pa naming mataas ang ihi nang dalawa at mahirap na. Baka saan pa pulutin ang problemang ito nang dahil sa kagagawan ko.
“tama na po papa, huwag niyo na pong sagutin si tatay, nakainom lang siya.” Awat ko.
“ hindi ako nakainom anak, gusto ko lang ipamukha sa makitid na utak nang Zandro na iyan ang kagaguhan niya. Sinong amang ipagtabuyan ang anak dahil lang sa pagibig nito sa babae. Bakit? Hindi ka ba nagmahal at ganyan ka?” natulala si papa. Nasaktan malamang sa narinig. Hindi ito nakaimik. Hindi na ito nagsalita pa at lumapit kay tatay at nagbunuan ang dalawa. Nagsuntukan. Sigawan naman ang sina mama at nanay. Tuluyan naming naawat ang dalawa. Napaghiwalay. Hawak ko si tatay at hawak naman ni Jeff si papa. Nagduduruan pa din ang dalawa. Tuloy ang palitan nang mga salita. Nang makitang hindi na magkalapit ang dalawa galit na hinila ni mama si papa sa loob nang bahay at ganun din si nanay kay tatay at iniuwi na ito nang tuluyan. Sumama na ako kay Jeff sa kanila sa takot na baka magalit lalo si papa sa akin at sa akin ibaling ang lalong galit nito sa nangyare. Takot ko lang. Pero siguradong kaya nang lusutan at pakalmahin ni mama ang sitwasyon kaya napanatag na rin ako kahit papano.
Itutuloy...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento