Emman: Kahit kakapagod at naninibago sa ganitong buhay sige lang. Masaya naman. Hehehe! Pakiramdam ko may responsibilidad ako sa ginagawa ko. hindi pwedeng hindi matapos at maputol ang storya. Hindi kagaya nang mga una kong ginagawa na isa o dalawang part pa lang eh nawawalan na ako nang ganang tapusin dahil tapos na din ang prinoproblema ko sa mga sandaling iyon. Opo. Gumagawa lang ako nang kwento kapag nasa matinding depression ako o nasa mabigat na problema at sa pagsusulat ang outlet ko. dito ako kumukuha nang lakas at tapang. Dito ako kumukuha nang pagasa. Dito ko nararamdaman na hindi ako nagiisa at hindi ako mahina. Hindi kagaya nang karamihan na basta basta sumusuko. Ewan, kakaiba talaga ang pakiramdam kapag nagsusulat ako. Ang kaso, kulang ang kaalaman ko sa mga ganitong usapin. Sa ganitong mundo. Hindi ako ipinanganak para maging manunulat balang araw at hindi rin naman ako nangangarap. Ang mahalaga lang sa akin. Masaya ako sa ginagawa ko. natatakot nga lang sa mga masasakit na pwede kong marinig kung mabasa nang iba. Pero sabi nga sa libro, walang perpektong tao. Ako ang nagsulat at tagabasa lang ang nagkomento kaya ako pa din ang angat. Hehehe! Biro lang po. Hindi man ito ang magiging buhay ko, sisiguraduhin kong magiging parte ito nang mundo ko.
Nagulat ako sa tinuran ni Aling Metring. Hindi ako makapaniwala. Sa loob nang tatlong taong paghahanap ko sa kanya’y makikita ko na siya. Kung kailan napagdesisyunan kong tumugil na. Kung kalian nakabawi na ako. Kung kelan buhay na ako ulit. Kung kelan ok na ang lahat at magsisimula na sana ako ay bigla siyang darating. Bumalik ulit sa alaala ko ang lahat. Lumakas ang kabog nang aking dibdib. Bigla akong pinagpawisan. Nabuhay ang aking dugo. Nabuhay ulit ang pagmamahal ko sa kanya.
“ ha? Totoo po ba ang sinabi niyo aling Metring?” paniniguro ko sa hindi ko maitagong kagalakan. “ kelan po sila darating?” sunod na tanong ko.
“oo at baka bukas nang umaga anak.” Ang sagot niya.hindi ko na hinintay pa ang susunod na sasabihin.
“sige po, uwi ako ngayon diyan.” Sagot ko at pinutol ko na ang usapan namin. Tinawagan ko agad si Jeff para magpasama sa kanya na sa mga sandaling iyon ay nagpaalam para sa date nila ni Roan. Girlfriend niya.
“tol, nakita na si Jenny. uwi ako ngayon. Pwede mo ba akong samahan?” pakiusap ko sa di ko maitagong saya.
“ ah... eh...” alinlangan niya.
“ sige na tol. Ngayon lang to. Please tol.” Sabad ko agad para mapilit siya.
“sige, uwi na ako. Hintayin mo ako.” Ang mabilis niya agad na pagbawi.
“salamat tol. Ako na maghahanda nang gamit mo. Alis na lang tayo pagdating mo.” Saad ko sa sobrang kagalakan. Pinutol ko na ang tawag at mabilis na nagayos nang mga gamit. Alam ko na ang mga importanteng gamit na dinadala niya at konti lang naman kaya hindi ako mahihirapan. Huwag lang kakalimutan ang kanyang paboritong maliit na album na naglalaman nang mga picture naming dalawa mula nang bata pa lang kami. kuha nang mga masasayang sandali nang aming pagkakaibigan. Ang iba dito’y luma na sa tagal na panahon pero itinatago niya at iniingatan at patuloy na dinadadagdagan. Ang iba’y hindi na magkasya. Naka tape na lang sa album cover nito. Natatawa na lang ako kapag tinititigan niya ang mga ito. Minsan nahihiya ako dahil ganun siya kaseryoso sa pagkakaibigan namin pero hindi rin naman ako nagpapadaig kahit papano. Ibinibigay ko din ang lahat para maramdaman niya na totoong kaibigan ako sa kanya. Pinanood ko uli ang mga kuha naming dalawa. Mayroong magkasama kaming dalawang nakaupo sa buhanginan sa tabi nang dagat. Parehong nakashort lang at kakaahon mula sa paliligo sa dagat. Graduation noon iyun nang college at nagkasunduan naming magbeach lang na dalawa bilang regalo naming pareho sa aming mga sarili. Pumunta kami sa boracay at nanatili doon nang dalawang araw. Ang saya saya namin noon. Kahit na girl friend ko na noon si Jenny ay napagpasyahan naming pareho na dalawa lang kami magbe beach. naa out of place kase ang isa sa amin kapag may kasama kaming mga babae. Sino ba ang hindi maaasiwa na katabi mo ang kasintahan mo, kayakap, kaholding hands at minsan kahalikan samantalang katabi mo ang kaibigan mo na walang kasama at kayakap din. Tanggap naman namin parehong magkaibigan ang sitwasyon pero kadalasan ang mga babae ang bumibigay. Hindi daw sila sanay sa sitwasyon at minsan napagkakamalan pang kami ang magsyota at ang date namin ang chaperon. Natatawa na lang kami. Kaya sa huli, hindi na nai enjoy ang outing o date kapag magkasama kami. minsan naman naman nagwo walk out sila kagaya nang minsang nagbubunuan kami sa buhanginan na magbesfriend. Nasa ibabaw ako ni Jeff habang hawak ang kanyang dalawang mga kamay sa taas at inilock at saktong nagpahinga sandali sa pagod at magipon uli nang lakas upang kumalas habang nakatitig sa isat isa at inaabangan ang susunod na gagawin nang kunan kami nang letrato ni Blesilda sabay walk out at uwi at iniwan kaming nakatunganga. Kinabukasan ipinagkalat na lang ang letrato namin sa school at tapos na din ang isang lingo palang naming relasyon. Hindi ko alam itinago pala ni Jeff ang isa sa mga litrato at ginagamit pangalaska sa akin. Natatawa na lang ako at kunware hinahabol siya para batukan.
Ang picture niyang duguan ang labi na ako ang kumuha dahil nakipagsuntukan sa kalaro namin nang basbektball. Pagkakitang napatid ako nang kalaro namin ay sinugod niya agad ito at pinagsusuntok pero natamaan din siya nito kaya pumutok ang labi. Wala akong balak makipagaway dahil laro lang at akidente ang nangyare sa pagkakaalam ko pero iginigiit niya na isinadya ang nangyare para maagaw ang bola at matalo kami sa pustahan. Wala na ako nagawa kundi ang tumahimik at kinunan siya nang larawan para kunware pagtripan siya at mawala ang inis niya. Sumakay naman siya at itinuro pa ang sugat sabay muestra na parang nagsusumbong at nagmamakaawa. Tawanan na lang at biruan ang sumunod na nangyare.
Marami pang magagandang alaala at pagsubok sa aming pagkakaibigan na siyang nagpatibay sa aming pagsasama na humantong sa isang ritwal. Minsang nasa outing kami nang klase nung college at kakatapos lang ang isang activity ay napagdesisyunan naming pumunta sa tabing dagat para magpahangin bago matulog. Lumikha kami nang maliit na apoy para magsilbing ilaw namin at magkatabing nakaharap sa apoy nang mapagusapan ang tungkol sa pagkakaibigan namin.
“tol, kahit anong mangyare huwag kang bibitaw sa pagkakaibigan natin ha.” Saad niya habang nakatingin sa apoy na nasa harap namin.
“ pangako tol.” Sabay lagay nang kanang kamao sa dibdib ko at isinuntok suntok iyon nag bahagya. Tahimik sandali. “ sana ikaw din tol.” Ang mas seryoso ko nang boses. Hindi ko na napigilang madala sa kanya.
Iniakbay niya ang kaliwang kamay niya sa balikat ko at tinapik tapik at ilang sandali ay kumalas ito. Tumayo at pumunta sa harapan ko. napapagitnaan namin ang apoy. Inilabas nito ang isang maliit na swiss knife. Inilabas ang talim at itinapat ito sa palad.
“ susugatan natin ang ating mga kanang palad at pagisahin ang ating mga dugo. Bilang patunay sa sumpaan natin. Na walang iwanan. Na walang magbabago. Na walang puputol kahit sinuman sa ating sumpaan at pagkakaibigan.” Saad niya at tuluyan nang sinugatan ang palad.
Iniabot niya sa akin ang swiss knife upang ako naman ang magsugat. Hindi na ako nagdalawang isip at inabot ko agad at sinugatan ang aking palad. Napangiwi ako sa sakit. Malamang ganun din ang naramdaman niya sa isip isip ko. Nang makitang dumudugo na ang palad ko, iniabot niya ang palad niya para magdaupang palad kami. para magisa ang aming dugo. Para bigyang saysay at bertud ang mga binitiwan naming mga salita. Tumutulo ang pinagsamang mga dugo namin sa apoy.
“ isinusumpa ko magpakailan man na hinding hindi ako tatalikod sa pagkakaibigan natin. Hinding hindi ako tatalikod sa responsibilidad ko sayo. Isinusumpa ko na ipagtatangol kita at susupportahan sa lahat nang magiging desisyon mo at sa lahat nang magpapasaya sayo. Hinding hindi kita iiwan magpakailanman kahit sa kabilang buhay at sa susunod na buhay.” Sumpa ko.
“ isinusumpa ko magpakailan man na hinding hindi rin kita iiwan. Na lagi lang ako nasa likod mo sa bawat oras. Ipagtatanggol sa lahat nang pwedeng manakit sayo. Sasamahan kita saan mo man gusto magpunta. Ang importante kasama kita. Hinding hindi kita papabayaan at iiwan magpakailan man hanggang kamatayan at sa susunod na buhay.” Sagot naman niya sabay ngiti.
Parang ang saya naman nang apoy sa mga nasasaksihan na gumagalaw pa sa tuwing natutuluan nang dugo. Nakikiayon sa sitwasyon at nagsilbing piping saksi sa isang maliit na ritwal naming matalik magkaibigan. Napagtripan na din naming kunan ang aming mga sarili nang litrato sa dala naming camera sa mga sandaling iyon. At mula noon, mas tumibay pa ang aming pagsasama bilang matalik na magkaibigan.
Kasalukuyan...
Ibinalik ko agad sa kanyang knapsack ang album at inayos na din ang aking dadalhin. Naligo at nagayos na din ako nang aking sarili pagkatapos at hinintay na lang ang pagdating ni Jeff. Magaalas sais y media na nang hapon nang dumating si Jeff. Ipina check ko na lang sa kanya kung wala akong nakalimutang ilagay sa bag niya at nang masiguradong ok na ang lahat. Tinungo na namin ang terminal pauwi sa San Agustin. Nasa apat na oras din ang biyahe bago makarating doon. kumain muna kami sa Mcdo dahil hindi ko na nagawa pang magluto. Dumaan muna kami sa seven eleven pagkatapos para bumili nang mga chichirya para may mangangata sa bus.
“ tol, tahimik ka? Ano iniisip mo?” basag ko sa katahimikan ni Jeff. Mula nang dumating siya kanina at tahimik na ito at di masyado nagsasalita. hindi ko naman magawang tanungin dahil sa kakaisip ko kay Jenny. nakatingin lang ito sa bintana at malayo ang iniisip.
Hindi siya sumagot.
“Sabihin mo na sa akin tol.” Pangungulit ko. “ tungkol ba sa inyo ni Roan?” paniniyak ko.
Tumingin siya sa akin. At ipinatong ang ulo sa mga balikat ko. hindi ako nakaimik. Alam kong seryoso ang pinagdadaanan niya. Gunulo ko na lang ang buhok niya. Paraan naming pareho para ipakita na nandito lang ang isa sa amin para damayan ang isat isa. Naiyak na siya. Natigilan ako. Di nakapagsalita.
“ tol. Buntis si Roan. Dalawang buwan na.” Pagamin niya. Umiiyak pa din.
“ha? Akala ko pa naman kung ano na.” Sabay batok sa kanya.
“alam mo naman na mahigpit ang tatay nung tao eh. Magagalit yun. Patay si Roan dun.” Bawi niya. “ isa pa, wala sa plano namin ang mabuntis siya nang di kami ikinakasal tol.” Dagdag niya. Pinupunasan na ang mga luha.
“ ang oa mo din eh no. E di pakasal na kayo agad bago pa malaman nang tatay niya na buntis siya.” Saad ko.
Natahimik siya. Inisip ang sinabi ko. sabagay, hindi rin madali ang sitwasyon nila sa isip isip ko. lalo na kung daig pa sa butas nang karayom ang papasukin para lang ipaalam si Roan sa mahigpit niyang ama na magpapakasal sila. kung sa panliligaw pa nga lang neto hindi na siya pinapayagan nang matanda ang pagpapakasal pa kaya at idagdag pa ang dinadala nito. Malaking gulo nga ito.
“hayaan mo tol andito lang ako. Sasamahan kita. Ipapaalam natin sa tatay niya ang sitwasyon ninyo. Pag sinaktan ka nung matanda, bugbugin natin.” Sabay tawa para mawala ang problema niya sa biro ko. natawa na din siya. Pero natahimik pa din at nagisip. Wala na ako nagawa kundi ang hawakan na lang ang braso niya para ibigay ang aking suporta.
Nakarating na kami sa San Agustin at lalong lumalakas ang tibok nang aking dibdib sa sobrang excitement na nararamdaman. tumuloy kami agad sa bahay nila Jeff dahil alam kong magdududa si papa sa biglaang uwi namin ni Jeff. Magtatanong yun kung ano ang dahilan at yun ang hindi ko kayang sagutin dahil alam kong magagalit siya kaya sa bahay na lang nina Jeff ako tumuloy at tsaka ko na ipapaaalam ang paguwi ko. pinagbukasan naman kami ni nanay at diretso sa kwarto para makapagpahinga. Hating gabi pa lang kaya mahaba haba pa ang oras bago ko makita si Jenny. pareho kaming di makatulog ni Jeff sa kanya kanya naming problema. Ako kay Jenny at siya kay Roan. Parehong mga babae ang gumugulo sa buhay namin. Ang pagkakaiba lang ay kung may inaasahan pa ba akong pagbabalikan sa amin ni Jenny na alm kong malabo na pero umaasa pa din samantalang kung paano naman ipapaalam nina Jeff at Roan ang sitwasyon nila sa ama ni Roan pero siguradong sila na. Haayyy... buhay. Daig nila ako. Nasabi ko na lang sa sarili ko at di ko na namalayan na naidlip na ako.
Alas otso na nang umaga nang magising ako. Wala na si Jeff sa higaan. Bumangon na ako at naligo bago lumabas sa kwarto. Inabutan kong naguusap usap sila sa mesa at ako na lang pala ang hinihintay para kumain. Mukhang seryoso ang pinaguusapan at batid kong tungkol iyon sa problema ni Jeff. Dumiretso na lang ako sa mesa at nakisabay na din.
“ ang daya niyo. Di niyo ako tinawag ha.” Biro ko.
“ naliligo ka kase kanina kaya hindi na kita tinawag dahil alam kong bababa ka din lang.” Sagot ni Jeff.
“ o siya kain na tayo.” Saad ni tatay Rogelio.
Kumakain na kami nang magtanong si tatay. “ kelan ang kasal anak? Iuwi mo na dito si Roan kung ayaw pumayag ang tatay niya. Nasa tamang edad naman na kayo. Wala nang magagawa si balae kung ano ang maging desisyon niyo dahil wala na siyang karapatan sa inyong dalawa. Matatanda na kayo. Isa pa gusto ko ditto lumaki ang apo ko. sabik na ako makakita nang bata dito.” Saad ni tatay sabay tawa.
Napangiti naman ang lahat.
“ naku tatay, kagabi nga iyan, paiyak iyak pa sa bus. Hindi daw alam ang gagawin.sabi ko naman bugbugin naming ang matanda para lumambot.” Sabad ko sabay halakhak. tiningnan naman ako nang matalim ni Jeff. Inignora ko naman.
“ ano?” gulat na tanong ni tatay. “ huwag ganyan mga anak, magiging tatay niyo pa din iyun. Basta, kung hindi siya papaya dito mo dalhin si Roan at kung susundan siya nung masungit niyang ama ako ang bubugbog.” Sabay tawa din. Tawanan ang lahat.
“pero tatay, plano ko po muna idaan sa maayos na usapan ang lahat. Ayaw kong magkaroon nang alitan sa amin nang magiging biyanan ko.” saad naman agad ni Jeff.
“tama ka anak. Huwag kang gumaya sa iba diyan na nagtatanan agad. Hindi madali maging ama. Baka makarma pa kayo at anak niyo ang maghirap kapag dumating ang araw. At hindi ako papayag doon. Magiging apo ko na ang pinaguusapan.” Saad nito.
“salamat tay.” Naisagot na lang ni Jeff.
“ ah anak? Anong oras kayo pupunta kina Jenny?” sabad ni nanay herminda.
Nagulat ako sa tanong nito. Tumingin ako kay Jeff. Parang wala lang naman ito sa kanya at patuloy lang sa pagkain.
“ pagkatapos po nito nanay. Aalis na po kami.” sagot ko.
“ ah o di sige. Sana nga makapagusap na kayo nang maayos anak. Matagal tagal ka na ding naghihintay sa kanya ah.” Dugtong pa nito.
Pinili ko na lang ang tumahimik. Ilang sandali pay natapos na kaming kumain. Sandaling pahinga lang at nagayos na kami para umalis nang bahay at ilang minuto lang ay nasa tapat na kami nang bahay nila Jeny. Nakaparada na dito ang kanilang van na malimit gamitin nina Mr Costales kapag may out of town meetings sila kaya nasisiguro kong ito din ang sinakyan nila sa pagsundo kay Jenny. isang pagpapatunay na dumating na sila at nakauwi na si Jenny. napansin kong hindi nakasarado ang gate kaya itinulak ko na lang ito at tuluyan na kaming nakapasok sa kanilang bakuran. Hindi pa kami nakakalapit nang tuluyan sa pinto nang marinig namin ang malalakas na sigawan mula sa loob. Si Mr. Costales, nagwawala at kung hindi ako nagkakamali ay si Jenny ang kasagutan nito. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. nagulat din ako. Unag beses kong marinig makipagsagutan si Jenny sa kanyang ama. Minabuti naming manatili muna sa labas at makinig at makiramdam na lang sa mga kaganapan sa loob. Alam kong hindi kami kasali sa kung ano man ang meron sila sa kasalukuyan.
“ malaki na ako papa! At may anak na ako. Wala na kayo karapatan para kaladkarin ako at iuwi na parang bata sa bahay na ito. Titira ako kung saan ko gusto at desisyon ko iyon.” Sigaw ni Jenny mula sa loob.
“anong alam mo sa pagdedesisyon?” sabat nang kanyang ama na mas mataas ang boses. “ tingnan mo nga ang hitsura mo? Malayong malayo sa buhay prinsesang meron ka sa pamamahay na ito noon! Para kang hindi kumakain nang tatlong beses isang araw. Ganyan ba ang gusto mong ipatikim sa anak mo? Isang buhay mahirap. Ang magdildil nang asin? Iyan ba ang gusto mong buhay?” ang galit pa rin nitong sabi.
“ mas nanaisin ko pang magdildil na lang nang asin kagaya nang sinasabi niyo kaysa tumira sa pamamahay na ito na daig ko pa ang preso kung pagbawalan niyo sa lahat nang gustuhin ko. may anak nga kayong nakikita sa bahay na ito pero kung tratuhin niyo daig pa namin ang ibang tao. Wala kayong anak papa. Wala!!! Manika oo!!!” Ang sumbat nito at napahagulgol na sa iyak.
“ wala kang karapatan pagsabihan ako nang ganyan!” sabay ang malakas na sampal sa anak. “ wala akong ibang inisip kundi ang mabigyan kayo nang maalwan na buhay. Lahat nang ginagawa ko ay para sa inyo pero ano ang ginawa mo!!! Ano ang isinukli mo!!! Kahihiyan sa pamilyang ito.” Panunumbat nito.
“mali ka papa. Maling mali. Oo lahat nang gustuhin namin ay nakukuha namin dahil madami kang pera. Pero kahit kalian hindi mo ipinadama ang talagang kailangan namin. Ang pagiging ama mo. Hindi kami kagaya mo na pera lang ang sukatan nang pagiging ama at hindi kami manika para ikaw ang mamili kung sino at ano ang gusto namin para sa sarili namin. Kalian mo ba ako tinanong kung ano ang gusto ko? kelan mo ba ako tinanong kung ano makapagpapasaya sa akin? Lahat ikaw ang nagdedesisyon. Lahat ikaw ang nagmamaniobra at kami mga sunud sunuran mo lang na parang aso na kapag hindi pumayag ay sasaktan o ikukulong. Si Jacob, tingnan mo ang nagyare sa kanya, nalulong siya sa droga nang dahil sayo. Dahil sa kapabayaan mo. Imbes na ikaw ang gumagabay sa kanya ikaw ang nagtutulak sa kanya para sirain ag buhay niya. Walang dapat sisihin kundi ikaw papa. Ikaw!!!” paninisi nito.
“tama na anak. Tama na!!! Huwag mo na sagutin ang papa mo!” pagmamakaawa ni Mrs. Florentina at umiiyak na ito.
Hindi na nakapagsalita pa ang matanda dahil nanikip na naman ang dibdib nito at inaatake na sa puso. Nagsigawan ang lahat sa takot. Nagiyakan.
“tulong!!! Tulong!!!” sigaw ni Mrs. Costales.
Doon naman kami naalarma ni Jeff at dali daling pumasok sa loob nang bahay. Napatingin ako kay Jenny at bakas sa mukha nito ang gulat pagkakita sa akin pero mabilis na nakabawi at tinignan ang nahihirapang ama. Dali dali naming binuhat ang matanda at isinakay sa van. Itinakbo namin ito sa malapit na hospital. nagiyakan ang magina pati si aling Metring at ang batang nasa edad dalawang taon na yakap yakap ni Jenny na malamang ito ang dinadala nito bago siya umalis. Ako na ang nagmaneho at katabi ko si Jeff sa fron seat. Walang imikan. Ilang sandali pa’y nasa ICU na ang matanda at inoobserbahan ang kalagayan. Balisa si Mrs Costales. Lakad dito lakad doon ang nangyare samantalang nakaupo lang ang mag ina at magkayakap sa bench malapit dito katabi si Aling Metring. Nakaharap naman ako kay Jenny at pinagmamasdan siya habang katabi ko si Jeff.
“ Emman, pwede ba tayong magusap?” ang biglang baling sa akin ni Jenny.
Itutuloy...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento