Ilang sandali lang at natapos na ako maligo. Lumabas na ako sa banyo at kumuha nang maisusuot sa aparador. Simpleng maong short pants lang at semi fit na t-shirt at white brief. Inayos nang kaunti ang sarili sa salamin at aktong lalabas na sana nang biglang may kumatok sa pinto. Binuksan ko na lang para malaman kung sino.
“Pinapatawag ka ni papa. Kain na daw.” Aya ni james. Nakakabata kong kapatid. Pagkasabi’y talikod na ito pababa nang hagdan at diretso sa dinning area.
Sumunod na din ako agad. Kinakabahan ako. Alam kong madaming itatanong si papa pero bahala na.pagdating ko sa mesa. Nakaupo na silang lahat at ako na lang ang hinihintay. Si papa at si mama sa tabi nito. Si james na nasa high school at graduating na sa edad na kinse at si Nicole na nasa first year high school. Dose anyos. Nakatingin silang lahat sa akin. Pinapakiramdaman ako. Nailing ma’y wala na ako magagawa. Inignora ko na lang sila at naupo sa pwesto ko.
“ ok ka na ba anak?” bagsak ni mama sa katahimikan.
Tumingin ako sa kanya. Nakatingin na din silang lahat sa akin. Marahil hinihintay ang magiging sagot ko. pakiramdam ko’y isa akong napakaimplowensiyang tao na bawat sasabihin ko ay papakinggan nila. Parang artista na bawat galaw ay aalamin. Naiilang ako. Hindi ko na lang pinansin.
“ opo mama. Wag po kayo mag-alala.” Maikling sagot ko at tuloy lang sa pagsubo nang pagkain. Tahimik uli ang lahat. Pinakikiramdaman ako at ganun din ako sa kanila. lalo na si papa.
“ kumusta po pala ang reception kahapon?” bagsak ko din sa namumuong katahimikan.
“ hayun, lahat nang dumalo sa simbahan maliban sa pamilya Costales ay dumiretso sa reception. Sayang din kase ang mga pagkain kung di mauubos. Wala naman kakain at di naman pwedeng irefund sa catering service dahil ready na ang lahat. Ang pamilya lang ni Jenny ang umuwi na at hindi na sumama dahil sa kahihiyang inabot malamang.” Paliwanag ni mama.
“ aba dapat lang. Ang kakapal naman nang mukha kung sasama pa sila at ituloy ang pagsasaya pagkatapos nang kahihiyang idinulot nang anak nila sa pamilya natin. Hindi ako makakapayag.” Ang mataas na boses ni papa.
Nagulat ma’y hindi ako nakaimik. Nakayuko. nagpatuloy lang ako sa pagkain. Iba magalit si papa. Kapag tumaas na ang boses nito, hindi mo na siya pwedeng sabayan at siguradong mapapahiya ka lang. Hindi siya mahilig manakit pero kung nagmalabis ka sa limitasyon mo bilang anak ay siguradong ilang araw mong iindahin ang sakit nang kanyang makapal na sinturon.
“ oh, boses mo amorsolo!” Ang paalala ni mama sabay tingin sa akin.
Nahiya ako. Alam kong ako ang iniintindi ni mama sa mga oras na iyon. Alam kong nasa akin ang atensiyon nilang lahat sa mga sandaling iyon. Dahil ako ang higit na nasaktan sa lahat nang nangyare. Ako ang pinaka agrabyado. Ako ang iniwan. Alam kong malakas ako pero hindi sa lahat nang oras. Hindi sa lahat nang sandali. Lalong hindi sa pagkakataong iyon. Masakit pa din ang lahat pero pinilit kong itago at sarilinin ang nararamdaman ko. ayaw kong ipakita sa kanila na mahina ako. Na hindi ko kaya. Pinilit kong ibaling sa iba ang aking isipin para di ako tuluyang mapaluha sa harap nila.
“ totoo naman ah! Ano akala nila sa atin?...” hindi na natuloy ni papa ang gusto pa nitong sabihin.
“ tapos na yan. Ang importante ngayon kung ano ang plano ni emman.” Sabay tingin ulit sa akin. Napatingin ulit silang lahat sa akin.
“ ano nga ba plano mo ngayon emman?” ang ma-awtoridad pero mababa nang boses ni papa. Tuloy pa din ang pagkain at hinihintay ang sagot ko.
Humugot ako nang malalim na hininga. Nagipon nang lakas nang loob para sabihin ang plano ko. alam kong tututol sila lalo na si papa. Natakot ma’y papanindigan ko na. “ hahanapin ko po si Jenny pa.” Ang sagot ko.hindi ako makatingin sa kanila. yumuko lang ako. Natatakot sa pwedeng marinig.
“ ano?” ang malakas nang boses ni papa sabay bagsak nang kutsara sa mesa. Nagulat ang lahat. “ nahihibang ka ba o nawalan ka na ng katinuan? Ipinahiya ka na’t lahat lahat hahabulin mo pa siya? Wala ka na bang natitirang pride sa sarili mo?” ang pigil na galit niya.
“ pero pa, please. mahal ko po si Jenny!” ang pamamakaawa ko..
“ lintik na pagmamahal iyan. Baliw ka ika mo. Subukan mo ang binabalak mo at hindi ka na makakapasok pa sa pamamahay na ito.” Ang maiksi pero mabigat na binitiwang salita niya sabay tayo at labas sa dining area. Dumiretso ito sa kwarto ng walang imik. Ibinalibag ang pinto pagkapasok.
Hindi ako nakaimik. Nanatili akong nakayuko. Tumingin sa akin si mama. Tumayo ito at lumapit sa akin sabay yakap. “ ok lang yan anak. Kakausapin ko ang papa mo.” At diretso na siya sa kwarto. Naiwan kaming magkakapatid at pilit tinapos ang pagkain.
“ sige na james, Nicole. Tapusin niyo na yan.” Ang nasabi ko na lang sa mga kapartid ko.
Ilang sandali pa’y halos sabay sabay kaming nagsitayuan sa mesa. Dumiretso ako sa kwarto pagkatapos. Nahiga ako agad sa kama at binalikan ang lahat nang nangyare. Masakit pero ayaw ko nang umiyak. Alam kong mas mahihirapan akong kumbinsihin si papa sa plano ko kaysa sa nangyare kahapon.. hindi ako handa para kamuhian niya ako. Para tuluyang magalit ang ama ko sa akin. Kilala ko siya. May isang salita at hindi basta basta binabali ang mga binibitiwang salita nang walang sapat na dahilan. Alam kong may rason kung bakit niya nasabi yun. Para protektahan ang pamilya namin at naiintindihan ko siya. Pero sa mga oras na iyon kailangang makausap ko si Jenny sa ano mang paraan.
“ kuya... kuya... kuya emman...” tawag ni james sa akin sa labas nang pinto. “ nasa baba po si kuya Jeff...” dagdag nito.
“ salamat sa diyos. Salamat Jeff.” Ang nasambit ko na lang sa nabuong plano ko sabay bangon at labas nang kwarto.
Inabutan ko siyang nakaupo sa sala. Nakapanglakad ito. Katabi ang mga kapatid kong busy sa paggagawa nang mga school projects at assignments. lumapit ako sa kanya at tumabi sa sofa.
“oh, bakit hindi ka pa nakabihis?” takang tanong niya. “ bihis ka na at ipapaalam kita sa mga magulang mo. Dalian mo at tanghali na.” Sabay tayo tumbok ang kusina na kasalukuyang naglilinis nang mga pinagkainan namin. Hindi na din ako nakaimik at sumunod na lang sa kanya. Wala akong idea kung ano ang balak niya. Ang sigurado ko lang, magagawa ko ang gusto ko kapag kasama ko siya. Napangiti na lang ako habang umaakyat sa hagdan. Humugot na lang ako nang isang semi fit jeans at tinernuhan na din nag isang semi fit shirt para parehas kami ni Jeff ng suot. Komportable isuot kahit saan kami makarating. Ilang sandali pa’y pabalik na ako sa sala at inaya na siya palabas pagkapaalam ko kay mama.
“ tita, alis na po kami. Ako na po ang bahala kay Emman.” Paalam nito sa mama ko.
“ salamat ha. Ingat kayo.” Sagot na lang ni mama.
“Ingat po kayo kuya Jeff kuya Emman!” paalam naman nang dalawang kapatid ko.
Tuluyan na kaming nakalabas nang bahay at naglakad lakad sa kalsada.
“saan ang alam mong pwedeng puntahan ni Jenny tol? Saan tayo maguumpisa?” tanong niya habang kami naglalakad.
Nagulat ako sa tanong niya. “Paano niya nalaman ang plano ko? nasabi ba ni mama ang ipinagtapat ko sa kanila? pumayag ba si mama? Eh si papa? Imposible. Si mama oo pero sa papa hindi malamang.” Napalingon ako sa kanya. Mukhang seryoso siya. Hindi siya nagbibiro. Tumingin ulit ako sa nilalakaran namin. Hindi na ako magtatanong pa. “ Pagkakataon ko na to.” Nasabi ko na lang sa sarili ko.
“ wala pa ako idea tol pero si aling metring, alam kong may alam siya. Pwede nating tanungin. Kukulitin ko.” sagot ko. sumakay agad kami nang tricycle papunta sa bahay nina Jenny. ilang sandali pa narating na naming ang bahay nila. Naabutan naming si Jacob, nakababatang kapatid ni Jenny na saktong palabas. Nakadamit pang basketball ito.
“ oh kuya. Ikaw pala. Wala pa po si ate. Hindi pa umuuwi. Si mama nasa hospital binabantayan si papa. Inatake kahapon.” Bungad niya sa amin. “tuloy na lang kayo ha. May lakad ako.” Sabay labas na nito nang gate at hindi na pinakinggan pa ang ano mang sasabihin namin.
Napailing na lang kami at tuloy tuloy na sa loob nang bahay. Mabuti na din at wala sila dahil hindi ako handa kausapin ang mga magulang ni Jenny pero naawa pa rin kahit papano dahil sa nangyare kay Mr. Costales. Pumasok na lang kami dahil iniwang bukas ni Jacob ang main door. Inabutan naming si aling Metring sa loob nang bahay na naglilinis.
“ oh. kayo pala mga anak. Halikayo. Pasok. Anong gusto niyong maiinom?” salubong niya sa amin at itinigil ang ginagawa.
“ kahit ano po.” Sagot ko. tahimik lang si Jeff sa tabi ko. at naupo kami pagkatapos. Ilang sandali pay may dala na tray na may lamang dalawang basong orange juice at dalawang maliliit na platito na may slice na chocolate flavoured cake. Inilapag nito sa center table at naupo katapat namin. Hindi na nagdalang isip si Jeff para kumain. Paborito ba naman ang inihain sa kanya.tahimik lang ako at nagiisip kung paano simulan ang lahat.
“Napasugod kayo mga anak?” tanong niya. “ wala dito si Sir Gerardo at Maam Florentina. Isinugod kahapon sa ospital si Sir nang di nakayanan ang pagwawala pagkadating dito sa bahay. Hayun at inatake. Aligaga nga lahat nang tao dito kahapon. Pati mga kapatid niya naalarma din. Isinugod agad sa ospital. Alam mo naman ang sakit nang papa ni Jenny. yang si Jacob naman, hindi maasahan. Pinapapunta doon sa hospital para samahan ang ina pero ayaw. Takot ko lang na mas malaking problema yan nang papa nila pag lumaki at matuto nang sumagot. Ngayong bata pa lang nakikitaan na nang pagrerebelde pano pa kaya pag nasa tamang edad na.”ang iling na lang ni aling Metring.
“pasensiya na po sa nangyare aling Metring.” Paumanhin ko.
“Naku ako dapat ang himingi nang pasensiya anak sa nangyare sa inyo.” Bawi niya.
“Kayo po talaga ang pasya namin dito.” Baling ko sa usapan. Humugot ako nang malalim na hininga para lakasan ang loob ko. alam kong hindi niya ako mapagbibigyan pero kailangan kong pilitin siya. Makubinsi. siya na lang ang alam kong makakatulong sa akin.waring naramdaman niya ang ibig kong sabihin. Yumuko siya.
“ Aling Metring, parang awa niyo na po. Sabihin niyo po sa akin kung nasaan si Jenny. wala po akong masamang balak sa kanya. Gusto ko lang siyang makausap at marinig ang paliwanag niya. Isa pa, gusto ko po siyang tulungan. Ngayon niya higit kailangan ang karamay. Sige na po.” Pagmamakaawa ko.hindi ko na naitago ang mga luha ko.
“ anak, oo aaminin kong batid ko kung nasaan siya ngayon. Hindi ako makakapagsinungaling sayo alam mo yan pero alam ko din na mauunawaan mo ang rason kung bakit hindi ko pwedeng sabihin sayo. Mahigpit na pakiusap ni Jenny huwag kong ipapaalam kahit anong mangyare kung nasaan siya kung hindi masisira lahat nang maganda niyang plano. Oo, napasama ka sa ginawa niya pero sa kabilang banda alam kong alam mo na ginawa niya iyon para sa ikakabuti niya, sayo at sa magiging anak niya. Hayaan mo muna siya emman anak. Ito lang ang maipapangako ko sayo anak, nasa mabuti siyang kalagayan at wala kang dapat ikabahala sa kalagayan niya ngayon. Maayos ang lahat.” Paniniguro niya sa akin.
hindi na ako nakapagsalita. Hindi ko na talaga siya mapipilit. Naiintindihan ko siya. Inirerespeto ko ang desisyon niya pero hindi pa din ako mapakali at mapanatag hanggat hindi ko siya nakakausap. Gayun man, wala na akong nagawa para mapaamin siya. Kinumusta ko na lang ang sitwasyon nila sa buong bahay bago kami tuluyang nagpaalam. Palabas na kami nang gate nang saktong napang abot kami nang nanay ni Jenny. bumba agad ito sa sasakyan at lumapit sa amin. mabilis niya aong niyakap at hnidi na napigilan ang iyak. Halatang wala pang tulog ito sa nangingitim niyang eyebag. Naawa naman ako sa kanya. Niyakap ko na din siya at hinaplos haplos ang buhok para ipakita ang pagdamay ko sa dinadala niyang problema. Maya maya pa’y kumalas na siya at pinunasan ang luha. Inayos ang sarili.
“ patawad anak sa nangyare. Sana unawain mo na lang ang lahat. Patawad talaga.” Sabay haplos sa mukha ko. naluha na din ako.
“ naiintindihan ko po ang lahat mama. Huwag niyo po akong alalahanin. Pumunta po ako dito para makibalita kay Jenny.” sagot ko na lag.
Napahagulgol na naman siya at yumakap uli sa akin. Mas malakas. Mas puno nang emosyon. Mas matagal. Wala na ako nagawa kundi ang damayan siya sa kanyang pagiyak habang tahimik lang si Jeff na nanonood sa amin at si Aling Metring.
“ sorry po sa nangyare kay papa ma.” Nasambit ko nang maalala ko ang kalagayan nang asawa niya. “ sino po ang nagbabantay sa kanya sa hospital? Ok na po ba siya?” tanong ko.
Kumalas siya sa pagkakayakap. “ si tito Bert mo. Ang kapatid nang papa mo. Tinawagan ko siya para palitan ako sandali para makapagbihis at makapagpahinga na din nang kaonte. Ok na ang pakiramdam niya. Konting pahinga lang daw at pupwede na siyang ilabas.” Balita niya. “ pasok muna kayo anak. Yaya niya sa amin pagkatapos
“hindi na po. Alis na ho kami. may lalakarin pa po kami ni Jeff.” Pagsisinungaling ko. baka magkaiyakan lang kami pag tumagal pa ako sa kanila isa. Isa pa, pagod siya at kailangan niya nang maayos na pahinga at alam kong hindi siya makakatulog hanggat nandoon kami. “ balitaan niyo na lang po ako kapag may balita na kay Jenny ma.” Paalala ko.
“ o sige anak. Magiingat kayo ha. Salamat sa pagdalaw anak.” Sabay hawak sa aking kamay at tuluyan na kamig nagpaalam.
Wala kaming ginawa sa araw na iyon kundi bulabugin ang mga kaibigan at kakilala ni Jenny. mula sa mga kaklase namin hanggang sa malalayong kakilala na minsan at pwedeng malapitan ni jenny pero natapos ang buong araw na wala kaming napala. Pagod na pagod kami at gabi na nung umiwi at tumigil sa paghahanap.hindi na ako umuwi sa bahay dahil sigurado akong iisipin ni papa na tinotoo ko ang sinabi ko kaya pinakiusapan kong mag alibi si Jeff na doon ako nakatulog dahil lasing na lasing ako sa maghapong kakainom sa kanila at hindi ko na kaya pang umuwi. Alam kong may tiwala ang mga magulang ko sa kanya kaya hindi sila magdadalawag isip at magiisip nang anuman. Pumayag naman ito at sinakyan ako sa gusto kong mangyare. Isinama ako sa kanila. bumili muna kami nang ilang in canned beer para inumin bago tuluyang umuwi.
“ oh anak!” bungad ni nanay Herminda, ang nanay ni Jeff. “ kumusta ka anak? Ok ka lang ba?” alalang tanong agad niya sa akin. Lumapit ito para yakapin ako. Para iparamdam marahil ang pagdamay sa aking problema. Napatingin na din tatay Rogelio na kasalukuyang nakaupo sa sofa habang nanonood nang tv at ngumiti sa akin sabay tango.
“opo nanay, ok na po ako. Huwag po kayong magalala. Sagot ko habang nakangiti.
“ dapat lang ok ka, pangalawang araw mo na akong pinapagod sa kakalakad ha. Malaki na utang mo sa akin. “ sabay halakhak nito. Natawa na lang din ang magasawa.
“ aba aba aba... huwag ka magalala babayaran kita.” Bawi ko kay Jeff sabay tawa na din. Nagtawanan ulit ang lahat.
“ sige nay, akyat muna kami sa kwarto.” Paalam nito. Nagiwan ito nang dalawang bote nang beer para kay tatay at diretso na kami sa taas. Nagpaalam na din ako at sumunod sa kanya.sinundan na lang kami nang tingin nang magasawa.
“ salamat sa beer anak.” Habol na pasasalamat ni tatay. At tuluyan na kaming nakapasok sa kwarto.
Maliit lang ang kwarto ni Jeff pero sapat na ito para magkasya ang dalawang taong sabay matulog at malaki laki din ang kama at pinasadya para sa dalawa. Mula nang matuto akong makitulog sa kanila, pinasadya nang mga magulang niya na palitan ang kanyang kama para magkasya kami. dahil nangiisang anak lang ito kaya masaya silang kasa kasama ako ni jeff at natutulog sa kanila. mula noon, welcome na welcome na ako sa bahay nila at itinuring na din nila akong anak kaya malayang labas masok ako sa kanilang tahanan. Masaya ang pamilya nila. Parehong mababait ang mga magulang niya at hindi mahigpit kay Jeff. Kinakapos man minsan pero hanggat kaya ibinibigay nila ang gusto niya dahil nagiisa lang itong anak pero magkagayun may sagana ito sa pangaral kaya lumaking mabait na bata at may takot sa diyos at relihiyosong kagaya nang kanyang mga magulang. Nagustuhan din siya nang mga magulang ko dahil sa kabaitan nito at magandang impluwensiya nito sa akin dahil hindi kami masyado nababantayan nang aming mga magulang dahil sa mga trabaho nito at idinadaan na lang sa paghihigpit para kahit papano mapalaking maayos.
Kinuha niya agad ang tuwalya at naligo sa banyo at sumunod na ako pagkatapos. May sarili na din akong mga toothbrush at mga damit sa bahay nila dahil lagi akong nakikitulog sa kwarto niya kaya parang bahay ko na din. Maya maya pay tapos na ako. Inabutan ko na lang siyang umiinom sa sahig habang nakikinig nang paborito naming classic love songs. Pareho kami nang mga paborito at alam na niya kung ano dapat patugtugin lalo na sa mga ganung sitwasyon. Nagbihis na ako agad at tumabi sa kanya. Umiinom na din. Inubos naming ang lahat nang binili namin at kung ano ano lang ang napagkwentuhan hanggang sa matanong na naman niya ang tungkol sa amin ni jenny. hindi ko na naman maiwasang malungkot. Tumahimik na lang siya pagkatapos at dina nagusisa pa. Ilang sandali pay naubos na ang aming iniinom at napagpasyahan naming mahiga na lang para matulog. Parehas kaming nakatingala sa kisame. Unan ang kanya kanya naming mga bisig. Tahimik. Alam kong hindi p siya tulog. Nakikiramdam lang. Sinasamahan ako sa katahimikan ko.
“ tol, paano kapag di natin nahanap si Jenny?” saad niya.
Nagulat ko. hindi ko inaasahanang tanong niya. Hindi ko napaghandaan. Hindi ko iniisip. Hindi pa ako sumusuko. Hindi ako nakaimik. Hindi ko alam ang isasagot ko. mayamaya pa’y hindi ko na mapigilan ang luha ko. tumagilid ako para itago ang luha ko. tuloy tuloy na ang luha ko pero pinilit kong hindi magingay para di niya mapansin. Naramdaman kong gumalaw siya. lumapit siya sa akin at niyakap ako mula sa likod. Mahigpit. Matagal. Ramdam na ramdam ko ang init nang katawan niya. Ang pagdamay niya. Hindi ko na napigilan ang paglakas nang iyak ko. ang pagbuhos lahat nang nararamdaman kong sakit. kinuha ko ang kaliwa niyang kamay para unanin ko at ang isa niyang kamay para iyakap pa nang mahigpit. Ngayon ko kailangan nang karamay. Alam kong hindi ko kaya ang nagyayare pero nagtatapangtapangan lang ako. Alam kong alam niya eto kaya sinulit ko na ang pagkakataon para makakuha nang lakas sa kanya. Maramdaman na may nakakaintindi sa nararamdaman ko, sa paghihirap ko. hindi ko na namalayan na nakatulog na ako nakayakap pa din sa kanya at yakap pa din niya ako.
Kinaumagahan, nagpasama ulit ako sa kanya hanapin si Jenny. sinuyod naman ang buong bayan pati ang lahat nang kamaganak niya pero wala. Umabot nang lingo, buwan at taon pero di na naming siya nahanap.25 years old na ako at tatlong taon na ang nakakaraan. Patuloy kong naitago sa mga magulang ko ang paghahanap ko kay Jenny. napabayaan ko na din ag trabaho ko bilang Resident Engineer sa isang kilalang companya sa Makati sa palagian kong paguwi para makibalita kay Jenny. buti at kasama ko si Jeff sa trabaho sa parehong field kaya siya lagi ang takbuhan ko kapag kailangan ko siya. Walang oras na hindi niya ko pinupuntahan kapag tinatawag ko siya at ayaing umuwi sa San Agustin. Sunod lang siya sa akin pero kagaya nang dati. Wala pa ding magandang resulta. Kahit na anong pilit na ni papa sa akin para magasawa na ay oo lang ang sagot ko at kunwareng wala pang napupusuan kahit na ang totoo ay si Jenny pa din ang nilalaman nang puso ko.
Minsan. Araw nang sabado. Wala akong pasok at nasa bahay lang ako nang makatanggap ako nang di ko inaasahang tawag. Sinagot ko ang ring cellphone ko at si Aling Metring ang nasa kabilang linya. Halata sa boses nito ang takot.
“ anak, susunduin ngayon si Jenny sa Bicol at nasa biyahe na ang mga magulang niya. Natatakot ako. Tulungan mo ako anak. Hindi ko alam ang gagawin ko.” ang takot na takot na pahayag ni Aling Metring.
Itutuloy...
salamat darelyn sa pagbabasa. ingat po lagi.
TumugonBurahinnice ang ganda ng story mo emman!!! whew can't wait for the next chapter!! post it asap ah!! hehehehe GBU!!
TumugonBurahinpatay na! minadali na ako. hahaha. salamat Jeff este Jhay. hehe
TumugonBurahin