Ang hirap pala gumawa nang kwento. Hindi basta basta. Ang hirap magisip. Hahaha. Lalo na kung maingay ang paligid.ngayon alam ko na.
“ emman, saan ka ba nagpupupunta? Kanina pa kita hinahanap?” ang humahangos na tanong ni jeff. “ san ka nanggaling tol? Anong nangyare sayo? Ok ka lang ba? saan ka nagpupupunta? Kanina pa ako hanap nang hanap sayo. Kanina pa nagaalala ang lahat.” Ang sunod sunod na tanong nito.
Hindi ko siya sinagot. Tumingin lang ako sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad. Nahihiya ako sa sarili ko. Hindi alam kung saan pupunta. Bahala na. Walang laman ang isip ko kundi si Jenny. ang mga katanungang siya lamang ang makakasagot. nagpatuloy ako sa paglalakad nang hindi alam kung saan ako dadalhin ng aking mga paa.
Naramdaman kong patakbong sumunod uli si jeff sa akin. Walang imikan. Walang tanungan. Alam ko, naiintindihan niya ako. Alam kong di niya ako iiwan hanggat di maayos ang lahat kagaya ng nakagawian na niya sa tuwing nagkakaproblema ako. Wala akong ginawa kundi ang maglakad nang maglakad. Hindi ko na ininda ang mainit na sikat nang araw. Wala din ginawa si Jeff kundi ang sumunod lang sa akin. Walang imik. Tahimik at ang mayat mayang hugot nang cellphone nito sa bulsa at reply sa mga nagtetext sa kanya. Mga ilang oras na kaming lakad nang lakad nang basagin niya ang katahimikan namin.
“ ano ba? Pagod na ako ah! Ang sakit na nang paa ko sa kakalakad. wala ka bang balak magpahinga?” Ang biglang malakas na bahagya niyang sigaw sa akin. Nakaharap na siya sa akin at di ko napansing nakasando na lang ito at tagaktak na ang pawis sa buong katawan. Hawak hawak na nito ang polong suot kanina. Basang basa na ang panyo nito sa kakapunas sa mukha. “ pare, pati paa ko masakit na. Maawa ka. Magpahinga naman tayo oh.” Ang pagmamakaawa nito na nakaharap sa akin sabay muestra na parang nagmamakaawang bata at pagbigyan na siya.
Napangiti na ako sa itsura niya.
“ ayan, buti naman. Sabay balik sa seryoso niyang mukha pero banaag sa itsura nito ang saya. Hindi ko na lag pinansin kung ano ang nasa isip niya.
“ saan mo ba ako dadahin?” tanong ko na lang at balik uli sa seryoso kong itsura. Sa ilang oras kong kakalakad ay natanggal nang kaonte ang aking problema at iniisip. Siguro sa pagod.
“total nadito na din lang tayo sa San Roque at malayong malayo na tayo sa pinanggalingan natin at nasa tapat na tayo nang Highland Bar, uminom na tyo.” Sabay hila sa aking kaliwang kamay diretso sa pintuan nang Bar.
Wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Hindi ko namalayang nakaabot na kami sa San Roque. Ang katabing bayan nang San Agustin kung saan kami nakatira. Magkatabing bayan ma’y malayo ang distansiya nito at kailangan pang sumakay nang jeep para makarating sa kabilang bayan dahil mahabang parang ang dadaanan bago makarating sa pinakasentro nito.
Pagkapasok naming sa loob ay agad umorder nang pagkain si Jeff at ilang sandali pa’y dumating na ang aming pagkain. Sinunggaban agad nito ang pagkain at sinimulan nang sumubo. Napangiti ako sa itsura niya. Parang gutom na gutom. Ang lalaki nang mga subo. Akala mo di kumain nang ilang araw. Napansin niya akong nakatingin sa kanya.
“hoy, wag ka manood. Kumain ka na bago tayo magpakalasing. At wag mo ko ngisi ngisian nang ganyan kundi babatukan kita. Oo, di ako nag-agahan dahil akala ko makakakain ako nang masasarap ng tanghalian sa bahay niyo kaya susulitin ko sana pero imbes na mabusog mapapagod pala ako at malilipasan nang gutom sa kakasunod sayo.” Ang mataas na bahagyang tono nang boses niya.
Hindi na ako nakasagot at kumain na din. Alam kong naggagalit galitan lang siya para ibalik sa normal ang lahat. Kilala na naming ang likaw nang bituka nang isat isa. Nagsimula na din akong kumain pero konti lang ang nakain ko dahil wala akong gana. Alam kong magagalit siya at pipilitin niya ako kaya kahit konte sumubo ako para wala siyang masabi. Hindi na din siya nangulit pagkatapos. Umorder na din siya nang maiinom na beer para simulan ang inuman. Pinabayaan ko na lang siyang maniobrahin ang lahat. Tahimik lang ako at oo sa mga sinasabi at ginagawa niya. Madami dami na akong naiinom nang basagin niya ang katahimikan naming dalawa.
“pare, anong plano mo?” tanong niya habang nakatitig sa akin. Binabasa ang bawat reaksiyon ko.
Napatigil ako sa pagtungga. Natahimik. Nag-isip. Nag flashback ulit sa akin ang lahat nang eksena kaninang umaga. Ang sulat ni Jenny. ang mga sinabi ni Aling Metring. Hindi ko na namalayang tumutulo na ang aking luha. Napayuko na lang ako sa hiya. Buti na lang at madilim dilim ang loob nang Bar kaya hindi masyadong halata ang aking pagiyak. Maingay na din dahil sa tugtog kaya din a napapansin ang mga paminsan minsang hikbi ko.
“huwag ka na umiyak pare. Tapos na. Nagyare na. Ang importante ngayon, ang desisyon mo. Ano ang gagawin mo?” ang tanong niya.
“ewan ko pare. Siguro hahanapin ko si jenny. kakausapin ko siya. Kailangang marinig ko ang dahilan niya.” Sagot ko na umiiyak. Hindi na siya sumagot. Nanahimik na lang siya. Uminom kami ang uminom. Nagpakalasing. Wala na akong pakealam kung kakayanin ko pa makauwi. Ang importante maibsan ang sakit na aking dinadala sa mga sandaling iyon at ilang oras pa. Tinablan na ako. Umiikot na ang paningin ko. hindi ko na makontrol ang sarili ko. Malalim na nang gabi nang inakay na ako palabas ni Jeff sa Bar.
“ bakit di ka nalasing?” ang tanong ko sa kanya. Alam kong di din siya sanay uminom pero sa dami nang nainom namin imposibleng di siya tinablan. “ ang daya mo pare!” nasabi ko na lang.
“ ano ka ba. Ikaw lang ang may problema, hindi ako.” Sabad niya habang akay ako palabas.
Pumara siya nang tricycle at isinakay ako sa loob. Pagkaupo ko’y nagdilim na ang aking paligid, umiikot ang paningin at nasusuka. Hindi na ako gumalaw hanggang tuluyan na akong nakaidlip. Nagulat na lang ako nang may yumuyugyog sa akin.
“ emman... emman...” tawag nang boses.
“ oh... nahihilo ako pare. Bakit? Wag ka magulo.” Maktol ko.
“ kailangan nating bumaba. Naflatan ang tricycle. Hindi na tayo kayang ihatid hanggang sa atin. Ang paliwanag niya at hinila na niya ako palabas. Sumunod na lang ako at sinimulan na ang paglalakad. Nakasampay ang aking kamay sa balikat niya at pilit inaayos ang paglalakad. Hindi pa kami nakakalayo nang tanggalin niya ang kamay ko sa leeg niya at tumigil. Binuhat niya ako sa likod niya na parang bata. Hindi na ako nakaimik sa sobrang hilo. Hinayaan ko lang siya at ipinagpatuloy na niya ang paglalakad bagtas ang mahabang kalsadang dinaanan namin kanina. Madilim at konting liwanag lamang nang bilog na buwan ang nagbibigay liwanag sa daanan namin. Mangilan ngilan lang din ang mga bahay na nadadaanan namin. Karamihan ay puro mga bukirin kaya maliwanag ang paligid.
Alam kong nabibigatan na siya sa mayat mayang angat niya sa akin para hindi malaglag. Mas malaki kase ang katawan ko sa kanya nang bahagya dahil mas matakaw akong kumain sa aming dalawa. Athletic pa kaya walang kataba taba sa katawan samantalang ako walang ginawa kundi ang umupo at manood lang nang tv at dvds sa loob ng kwarto ko. tsaka lang makalabas kung aayain niya ako at kailanga pang pilitin bago lumabas nang bahay at sumama sa pagjo jogging niya sa madaling araw na routine na niya.naawa man ako pero di ko talaga kayang buhatin ang sarili ko sa sobrang pagkahilo.
“Jeff, salamat tol!” ang bigla ko na lang nasabi. Tumulo na naman ang luha ko.
“ ok lang yan tol.” Maikling sagot niya.
“Salamat at nandiyan ka palagi para sa akin. Hindi mo ako iniiwan. Salamat talaga.” Ang lumuluha ko pa ding pasasalamat sa kanya.
“ ano ka ba. Anong silbi nang pagkakaibigan natin kung hindi kita dadamayan sa oras na kailangan mo ako.” Agot uli niya.
“ Natatandaan mo ba nung grade one pa lang tyo. Unang pagkikita natin noon at unang araw nang klase. Tahimik ako noon at walang katabi nung lumapit ka. Tumabi ka sa akin. Naingit ako syo kase ang aga aga pa kumakain ka na. Inalok mo ako agad nang di mo pa ako kilala. Paborito ko pa naman ang tsokolate nun kaya hindi na ako humindi. Kinuha ko agad ang tsokolate mo at hinati ko sa gitna at ibinalik ang kalahati. Nagulat ka nga noon eh. Nakasimangot pagkatapos at biglang umalis sa tabi ko. umupo sa malayo at matalim ang mga mata mong nakatitig sa akin. Nahiya kaya ako noon pero paborito ko eh. Wala ka na magagawa inubos ko pa din ang tsokolate. Buong araw ka noon nakasimangot at maya’t maya tumitingin sa akin. Hindi kita linubayan noon nang tingin. Kinabukasan, sabay tayo pumasok sa gate nang school. Lumapit ako sayo at may ibibigay sana pero tinakbuhan mo ako. Noong nasa room na tayo, Gumawa ako nang sulat na may pangalan ko kasama nang isang buong tsokolate at inilagay ko sa bag mo habang break natin at wala ka. Mula noon magkaibigan na tayo. A mula noon sinabi ko sa sarili ko, bestfriend na kita.” Mahabang pagbabalik ala ala niya sabay tawa nang bahagya.
“ naaalala mo pa pla yun.” Sabay ngiti ko.
“ Mahalaga yun para sa akin tol. At lahat sayo mahalaga na din sa akin dahil bestfriend kita.” Seryoso niyang sabi.
Natahimik na lang ako.
Matagal tagal na din kaming naglalakad nang ibaba niya ako at magpaalam para umihi sandali sa tabi. Naiwan akong nakaupo sa gilid nang kalsada. Nahihilo. Ilang sandali pa’y di ko na napigilan at napasuka ako nang ilang ulit. Pagbalik niya’y basang basa na ang damit ko sa suka ko. ang pantalon ko. ang sando ko.
“Pasensiya na tol, di ko na kinaya.” Paumanhin ko habang punas punas ang labi ko nang aking kamay.
Hinubad niya ang sando ko. hinubad din niya ang polo niyang puti para ipalit at ipasuot sa akin. Pinunasan na lang niya ang basang slocks ko gamit ang itim na polong panlabas namin na noo’y hawak hawak niya para matuyuan ako. Ramdam na ramdam ko ang pagaalaga niya. Walang daing. Walang reklamo. Basta sa ikakabuti ko sa oras na iyun sige lang siya.
“Dito na lang tayo magpalipas nang oras. Madaling araw naman na at ilang oras na lang madami nang magdadaang sasakyan. Isa pa. Pagod na din ako tol.” Sabi niya,
Umoo na lang ako.
Dinala niya ako sa madamong parte nang bukid na nadaanan namin. Kung saan pwede kaming magpahinga. Akay akay pa din niya ako. Ihiniga niya ako sa damuhan. At nahiga na din siya. Inunanan niya ang kanyang dalawang kamay at tumingin sa langit. Walang imikan. Sabay naming pinagmasdan ang kagandahan nang kalangitan. Ang katahimikan nang gabi. Ang malamig nang simoy nang hangin. Ang mabangong amoy nang mga damong buhay na buhay na sa piligid. Sabay naming pinagmasdan ang bilog na bilog na maliwanag na buwan at sa mayat mayang pagtakip nang mga nagdadaang makakapal na ulap sa tapat nito.
“ang ganda nang buwan ano tol.” Sambit niya habang nakatitig pa rin sa langit.
“oo nga tol. Buong buo. Bilog na bilog. Maliwanag na maliwanag samantalang ako durog na durog. Sugat sugat. Madilim na madilim.sana ganyan din ako. ” Ang naisagot ko na lang sa kanya at hindi ko na naman napigilan ang luha ko. lumingon siya sa akin at tingala ulit.
Ilang sandal pa’y naidlip na ako nang tuluyan. Nagising na lang ako sa sikat nang araw na tumatama sa mukha ko. mainit na. Noon ko napansin na nakaunan pla ako sa bisig niya at isinadyang nakadikit ang ulo niya sa ulo ko. bumangon ako para gisingin siya pero naramdaman niya ang mga galaw ko at tuluyan na din siyang nagising. Bumangon na din siya.
“Uwi na tayo?” sabay sabi habang inaayos ang kanyang sarili.
“ tara na.” Sagot ko na noo’y ok na ako at kaya ko na kahit papano ang sarili ko.
Napagdesisyunan naming maglakad na lang pauwi. Hawak hawak niya ang nasukahan kong damit. Ihinatid niya ako sa bahay bago siya umuwi sa kanila na ilang kanto din ang layo mula sa amin. nagulat ang lahat sa itsura ko lalo na sina mama at papa. Nagpaalam na lang akong maliligo lang at mamaya na akong magpapaliwanag. Tango na lang ang kanilang naisagot at sinundan ako nang tingin. Siguro pinapakiramdaman kung ok lang ako. Hindi ko na sila pinansin at dire diretso ako sa loob nang kwarto. Inabot ko ang mahabang tawalya sa likod nang pinto at dali daling tinungo ang banyo. Hinubad ang lahat nang saplot at itinapat ang aking sarili sa dutsa ang shower at sinimulang linisin ang buong katawan. Naalala ko na naman ang kaganapan kahapon at di maiwasang mapaluha pero buo na ang desisyon ko. hahanapin ko si Jenny at gagawin ang lahat kung maayos ang problema niya. Hindi man maging kami ulit ang importante matulungan ko siya. Oo, mahal ko pa siya at nagaalala pa din ako sa kanya ngunit ano man ang maging desisyon niya handa na ako kahit papano.
Itutuloy...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento