very fisrt blog at very first story ko po. sana po magwork in the future. sana sana sana.... hehehe. godbless at goodluck!
___________________________________________________________________________________________
Halo-halong emosyong hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Masaya na natatakot na kinakabahan na ewan. Siguro ganito lang talaga kapag dumarating ang pinakamasayang araw sa buhay nang isang tao.
‘’hoyyyy!’’ bagsak ni Jeff sa tensyong nararamdaman ko sa mga sandaling iyon. hindi ako mapakali sa maya’t mayang paglingon ko sa bawat nagdaraan at mga dumarating na sasakyan para dumalo sa pinakamaligayang araw namin ni Jenny. Nakangisi naman ito sabay iling-iling sa hindi ko maitagong nararamdaman. ‘’ easy ka lang pare. Darating yun. Huwag kag magaalala.’’ Alo nya kunware para ipakita sa akin ang kanyang presensya.
‘’Salamat pare.’’ Naisagot ko na lang sa kanya. ‘’ewan ko ba kung bakit ganito ang nararamdam ko. Para akong tanga.’’ Sabay ngiti sa kanya na kasama ang di ko maitagong kabang nararamdaman.
Tinapik tapik niya ang likod ko para ipakita ang kanyang supporta sa nararamdama ko sa mga sandaling iyon. Hindi ko na lang pinansin ang kanyang ginawa at itinuon ang isip sa bawat paparating na sasakyan. Sampung minuto na lang at mag aalas-otso na. Umpisa na ang misa para sa kasal.
‘’Halika nga dito pare. Kanina ka pa di mapakali diyan, tingnan mo yang suot mo at gusot-gusot na. hindi ka na fresh tingnan.’’ Sabay hila sa akin at inayos ang kwelyo ng aking Americana Pinampag pampag ang mga gusot sa aking pang-itaas. Inayos ang gusot sa aking balikat. Inunat unat uli para bumalik sa dating maayos na porma. Hinila hila nang bahagya ang laylayan para mapantay naman ang kabuuan. Pinaikot ako para tingnan sa likod at mabilis din pinaharap sa kanya nag makitang ok naman ang porma sa likuran.
Ganyan si Jeff, lagi siyang nandyan sa tabi ko sa oras na alam niyang kailangan ko siya. Ramdam niya kung ano ang nasa isip ko, kung ano ang nararamdaman ko, kung kelan ako malungkot, kung kelan ako masaya. Hindi ko man sabihin sa kanya’y alam na niya kung ano ang nararamdaman ko. Kung Masaya ba ako o malungkot a galit. Mas kilala pa nga niya yata ako kaysa sa ako sa sarili ko. Siguro ganun talaga kapag matalino ang tao. Ni expression lang ng mukha nang tao’y alam na niya. Yan ang bestfriend ko. Ang kaisa-isang matalik kong kaibigan.
‘’Pogi na ba ako ulit pare?’’ naitanong ko na lang sa kanya sa kabang di ko maitago. ‘’ nasaan na ba kase si jenny? Malapit na magumpisa ang ceremonya.’’ Sabay tingin sa relo sa aking braso at balik sa pagaabang sa mga paisa-isa na lang na nagsisidatingan. Mga humahabol sa kasal. Hindi lang nila alam na wala pa ang ikakasal. Wala pa ang bride.
Lumipas ang ilang minuto at wala pa din si Jenny. Pati ang mga nakidalo’y inip na inip na. Ang pari’y kanina pa handa. Ang iba’y lumalabas na para ibaling ang inip ng nadarama sa mga tanawin sa labas ng simbahan. Kanya kanya na din ang tawag para siguraduhin kung nasaan na si Jenny. Si mama. Si papa, ang aking magiging mga biyanan ay aligaga na. Nasa tagpo ako ng pagiisip ng lumapit si mama Flor( nanay ni Jenny)
“Wag ka magalala anak. Ipinasundo ko na si Jenny. Darating din sya” sabay hawak sa aking mga kamay.
Tango na lang ang naisagot ko. Yun lang at tumalikod na siya pabalik sa loob ng simbahan at naiwan akong nakatayo naghihintay.hindi ko na maitago ang takot ko. Na baka dina sya darating. ‘’bakit? Ano ang problema? Wala akong maisip na dahilan para di ako siputin ni Jenny’’ ang natanong ko na lang sa aking sarili.
‘’Pare, andito lang ako ha. Hindi kita iiwan. Pangako’’ ang nasambit na lang ni Jeff para ipakita ang presensya sa tabi ko. Hindi na ako umimik. Alam kong pati siya’y kinakabahan na sa kung anong pwedeng mangyare. ‘’huwag naman sana’’ sigaw nang isip ko.
‘’Nandyan na ang ikakasal’’sigaw ni tito Fred. Kapatid ni mama.
Nagtinginan ang lahat sa labas na noo’y papagarahe ang sasakyan ni Jenny na siyang maghahatid sa kanya sa simbahan. Nabawasan ang lungkot na aking nararamdaman kasunod nito ang malakas na kabang di ko maipaliwanag. Siguro pinaghalo halong inip na saya na ewan. Basta. Mula sa sasakyan, iniluwal nito si Tikboy, ang sampung taong gulang na nakababatang kapatid ni Jenny. dali daling lumapit siya sa akin at iniabot ang isang sulat.
Naguluhan ma’y binuklat ko ito at binasa
Emman,
Siguro sa mga oras na binabasa mo ang sulat ko’y malayo na ako sa atin. Masakit man ay ito lang ang naisip kong paraan para makapagisip isip. Para maintindihan ang lahat. Para pagaralan ang mga bagay bagay na di ko napaghandaan. magkagayon may huwag mo sanang isiping kahit kelan ma’y di kita minahal. Naging Masaya ako sa bawat oras nang ating pagsasama. sayo ko natutunan ang buhay. Kung pano mangarap. Kung pano tumayo sa sarili mga paa. Kung paano lumaban sa buhay at sa araw araw na pakikipagtuos sa problema. Hindi lingid sayo ang aking pinagdadaanan at ikaw lang ang nagpapalakas ng aking loob para ipagpatuloy ang aking buhay ngunit ang itali ang aking kinabukasan, ang aking mga pangarap, ang aking lahat lahat ay hindi ko napaghandaan. sana bigyan mo ko ng panahon para makapagisip-isip. Para maintindihan ang lahat. Para maging buo sa araw na aking pagharpa sa diyos para isuko ang aking sarili sa taong mamahalin ko.sana mapatawad mo ako.
Jenny
Hindi ko na natapos ang pagbabasa dahil nanlalabo na ang aking paningin sa mga luhang pumupuno sa aking mata. Karamihan dito’y pumapatak na sa aking binabasa. Nanghihina at nanginginig ang buo kong katawan. Halos di ko maigalaw ang aking sarili. Nagulat ako nang biglang may tumapik tapik sa aking balikat. Si Jeff . Animoy binigyan ako nang lakas na siyang nagpabalik sa aking katinuan. di ko na nagawa pang tumingin sa kanya. Tumakbo ako papalayo. Tumakbo lang nang tumakbo. Mabilis. Patuloy pa din ang pag-agos nang mga luha sa aking mga mata. Hindi ko na ininda ang mga taong aking nakakasalubong. Lahat sila’y nakatingin sa akin. Nahihiwagaan ngunit mas masakit ang aking nararamdaman sa mga oras na iyon kaysa sa hiya. Ipinagpatuloy ko ang pagtakbo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Kung saan tutungo. Hinayaan ko lang ang aking mga paa kung saan ako dalhin ng mga ito. Malayo layo na ako at pagod na ang aking mga paa sa kakatakbo.
Hindi ko lubos maintindihan kung ano ang tunay na dahilan kung bakit nagawa ni jenny sa akin ito. “Bakit niya ako iniwan? Bakit sa araw pa mismo nang aming kasal? Bakit siya bumitiw kung kailan handa na ang lahat? Kung kailan oo na lang ang sasabihin niya at tuluyan nang maayos ang lahat lahat na dinadala niyang problema? Saan ako nagkulang? Ano nagawa ko? ano ang mali sa akin?” mga tanong na siyang gumugulo sa aking isipan habang ako’y naglalakad.
Ang daming tanong sa aking isipan na siya lang ang makakasagot pero nasaan siya? Hindi ko alam kung saan siya hahanapin. Kailangan kong malaman ang dahilan. Hindi pa din ako susuko. Kailangan kong malaman ang sagot. Kailangan kong malaman ang dahilan niya. Hahanapin ko siya. Ang nabuong pasya sa aking isipan.
Huminto ako sa paglalakad. Pinahid ko ang aking basing pisngi at pinilit inayos ang sarili para di mahalata ang aking itsura. Nag-abang ako agad ang trysikel para maghatid sa akin sa bahay nina Jenny. “Kung bakit pa kase pinauso uso ang paghihiwalay na biyahe papunta sa simbahan nang mga ikakasal yan tuloy iniwan ako nang wala akong kaalam alam” ang reklamo ko sa tradisyon nina mama. Di nagtagal at naka para ako nang sasakyan.
Hinanap ko agad si jenny sa kanilang bahay pagdating ko. naalarma naman si aling Metring sa lakas nang mga sigaw ko na siya lang naiwang nagbantay sa kanilang bahay. Lumapit siya agad sa akin.
“ wala na siya dito anak, nakaalis na.” Ang bungad niya sa akin.
“Saan po siya pumunta?” tanong ko agad sa kanya.
“ hindi na sinabi anak kung saan nagpunta. Hayaan mo muna siya anak.” Sagot niya. Bakas sa mukha nito na may nalalaman sa mga nangyayare.
“parang awa niyo na po aling Metring, sabihin niyo po sa akin kung saan siya nagpunta.” Pagmamakaawa ko at di ko na napigilang mapaluha ulit habang hawak hawak ang kanyang mga kamay sa pagsusumamo. “Kailangan ko po siyang makausap.”
Tumingin siya sa akin at hinaplos ang aking mukha. ipinadama ang kanyang pagdamay sa aking nararamdamang sakit. “ anak, naiintindihan ko ang nararamdaman mo pero naiintindihan ko din si Jenny. tama ka na akuin ang dinadala niya para matulungan mo siya at mailayo sa kapahamakang naghihintay sa kanya sa malupit na mga kamay nang kanyang ama pero sa kabilang banda tama din si Jenny na akuin at panindigan ang nagawa niyang pagkakamali at huwag ka nang idamay pa. Batid ni Jenny ang tapat at taos puso mong pagmamahal sa kanya. Alam niyang kaya mong ibigay ang lahat sa kanya at wala na siyang mahihiling pa kung kapiling ka niya pero nagpasya na si jenny na sarilinin ang lahat anak. Ang panindigan ang kanyang pagkakamali at hindi ka na idamay pa. Ayaw niyang masira ang buhay mo anak. Ayaw ka niyang idamay sa problema niya. Hayaan mo muna si jenny anak.” Ang mahaba niyang paliwanag.
“ pero aling metring mahal ko po si jenny. mahal na mahal ko ho siya. Hindi ko kayang mawala siya sa akin. Siya ang buhay ko. kaya kong tanggapin ang dinadala niya kahit hindi galing sa akin. Ang importante kasama ko siya at masaya ako kasama’t kapiling ko siya.” Ang di ko na napigiling hagulgol ko sa kanya. Napaluhod na ako sa sahig. Hindi ko na napigilan ang sarili kong ibuhos ang lahat nang sakit na aking nararamdaman sa pagiwan sa akin ni jenny. sa kanyang sinabi’y parang natuldukan na ang lahat nang pag-asang natitira para ibalik at ayusin ulit ang lahat sa amin ni Jenny.
“hayaan mo na anak. Matatapos din ito. Magpakatatag ka lang anak. Alam kong kaya mo ito. Matapang kang bata at kaya mo ang lahat. Hindi ba nga, ikaw ang lakas ni jenny? kahit na malayo na siya sayo pa din siya humuhugot nang lakas dahil alam niyang matapang ka at walang hindi kinakaya sa buhay.” Ang pag aalo niya sa akin habang yakap yakap akong nakaluhod sa kanya.
Dahil sa kanyang mga tinura’y lumakas nang konte ang loob ko at naibsan ang dinadala sa mga paliwanag niya. Tama si aling Metring, kaya ko to. Kakayanin ko para kay Jenny at hahanapin ko siya para kahit papano matulungan siya. Hindi ko siya pwedeng iwan lalo na ngayon. Oo mahal ko siya pero kakayanin ko ano man at saan man hahantong ang lahat. Pinilit kong kalmahin ang aking sarili. Kumalas ako sa pagkakayakap niya at pinahid ang aking mga luha.
“nasaan po siya ngayon aling Metring?” ang mahinahon ko nang tanong.
Natuliro siya. Hindi makapagsalita. Alam kong may alam siya base sa kanyang reaksiyon. Hindi siya makasagot at makatingin sa akin.
“ anak, mahigpit niyang pakiusap sa akin na hindi ko pwedeng ipaalam sa kahit kanino lalong lalo na sayo kung saan siya matatagpuan at kung alam ko man sigurado akong hindi siya haharap sa iyo. Hayaan mo na siya anak.” Ang nasabi na lamang niya.
Pinilit at kinulit ko siya pero hindi talaga niya sinabi sa akin kung saan ko matatagpuan si Jenny. pinaalis na niya ako bago pa makauwi ang mga magulang ni Jenny dahil alam na niya ito na magwawala ito pagkadating. Wala na akong nagawa kundi umalis nang kanilang bahay kundi ang tanggapin ang lahat. Batid kong alam lahat ni aling Metring ang tungkol kay jenny pero wala na akong magagawa pa kundi irespeto ang matanda na siyang pakiusap na din ni jenny. lumabas ako nang bahay nang di alam kung saan pupunta. Blanko ang utak. Hindi alam kung saan tutungo. Hindi alam kung ano ang susunod na gagawin. Kung ano ang naghihintay para sa akin. Ngayong tinuldukan na ni jenny ang lahat sa amin ano pa ang saysay para magpatuloy ako. Si Jenny lang ang nagpapasaya sa akin. Ang kumukumpleto sa araw ko ang nagpapaligaya sa akin.
“emman!!!” sigaw mula sa malayong tumatawag sa akin.
itutuloy...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento