Martes, Mayo 28, 2013

pelikula nang iyong buhay

minsan nakikipagtalo ako sa mga pamankin ko. gusto nila panoorin ang dora o kaya tom and jerry. sabi ko naman huwag yan, mga barbie fairy tale na lang o kaya mga cartoon movie! " tito naman eh, ang boring manood nang ganyan. tom and jerry na lang mas nakakatawa." reklamo nila. pero dahil sa ako ang mas matanda ako ang nasusunod at siyempre konting lambing lang at panguuto sabay sabay kaming nanonood nang moving ako ang pumili. siyempre, nagdiwang ako nang lihim.

hindi kung paano ka maeentertain o mageenjoy sa pinapanood mo ang rason kundi kung ano ang matututunan mo sa pinapanood mo ang importante. aanhin mo ang isang bagay kung masisiyahan ka lang o tatawa nang tatawa hanggang matapos ang pelikulang pinapanood mo kung pagkatapos nito wala kang mabuting natutunan pagkatapos.

katulad din ito sa pangaraw araw na pamumuhay. sa dami nang nangyayare sayo sa araw araw, mga nakakasalamuha mo at naiingkwentro mo, ANO ANG NATUTUNAN MO? normal na sa tao ang maging manhid sa mga bagay bagay na siyang masaklap na katotohanan nang buhay at tsaka lang siya matututo at mapagtatanto pag nasa sitwasyong naghahanap siya nang kasagutan sa mga problemang dinadala at marami din ang alam na ang katotohanan at kasagutan sa mga bagay bagay pero sa kanilang mga sarili ay di nila batid ang katotohanang kanilang pinagsasabi. na sa lahat nang lumalabas sa kanilang bunganga ay puro salita lang pala at malayo sa katotohanang kanilang sinasalita. mga mapagkunwari at mapaglinlang.

ang buhay nila ay parang pelikula na aking sinusubaybayan sa araw araw. minsan nakakatawa, nakakaasar, nakakainis at minsan hindi ko maiwasang maawa.
oo, maawa! dahil sa pelikulang aking pinapanood ay isa ako sa mga karakter na mas pinipiling maging isang props lamang. hindi nakikita, hindi napapansin at walang kaambag ambag sa ikagaganda nang buhay nang bida sa istorya nang kanilang buhay. " sino ba ako sa buhay nila para pangaralan sila? isang taong nakikita at nakakasalamuha lang nila sa araw araw nang kanilang pakikibaka sa sa mga pagsubok sa buhay.

mahirap ipaalam sa tao na siya ay mali at wala din ako sa lugar para magsabi na sila ay mali. kung di sila nakinig sa kanilang mga magulang na siyang nagturo sa kanila noong sila ay bata pa, ako pa kaya na isang di nila kakilala. isang taong nakakasama at nakakasalamuha lang nila sa araw araw. kaya minsan di ko maiwasang bumaba sa kanilang level para ipakta na sila ay mali. kung sila ay ibong mataas ang lipad, kailangan ko ding maging ibong mataas ang lipad at taasan pa nang bahagya para maalala nila na mali ang aking ginagawa nang malaman din nila na wala silang pinagkaiba sa aking ginagawa dahil hindi natututo ang isang ibon sa mga gawain nang mga langgam. hindi kumakain ang buwaya nang uod na ginagawa nang mga manok sa halip ang manok ang kinakain nang mga buwaya. kaya kailangan kong maging buwaya at kumain nang manok at kumilos na parang buwaya at dagdagan nang kaunting kasamaan para malaman nilang sila ay buwaya. sa mas madaling sabi, kailangan kong maging reflection nang kanilang sarili para makita nila ang kanilang mga sarili sa salaming araw araw nilang sinasalaminan para ayusin ang kanilang mga sariling punong puno nang pagkukunwari.

napakahirap turuan ang isang batang ayaw matuto paano pa kaya ang isang taong marami nang nalalaman ngunit ginagamit naman sa kasamaan. nililinis ang sarili sa pinaglubluban nang kalabaw. hindi bay kaawa awa ang kanilang kalagayan? MATATALINO NGUNIT MANGMANG!

minsan, tumingin ka sa salamin. hanapin mo ang iyong sarili at kilalanin ang iyong pagkatao at huwag maniwala sa kung ano ang sinasabing figura nang iyong sarili na nagmumula lamang sa iyong isip. dahil kung ano ang sinasabi nang iyong isip ay siya lamang iyong gustong marinig hindi ang katotohanang siyang iyong ninanais. likhain mo ang kwento nang pelikula nang iyong buhay na ikaw ang bida at hindi ang kontrabida nang sarili mong istorya dahil wala kang maituturo sa iyong mga tagapanood kung ikaw mismong gumawa nang kwento ay walang natutunan.

:eiman martin