Linggo, Hulyo 01, 2012


minsan, hindi ko mapigilan ang aking sariling sariwain ang mga nakaraan. pilit naghahanap nang mga magagandang alaala na sanay maari kong magamit upang makapagbigay nang bagong lakas sa mga panahong hindi ko na kilala ang aking sarili. mga sandaling hindi ko na alam ang aking patutunguhan. mga tagpong hindi na ako ang nagpapatakbo sa aking pagkatao. 


ngunit lalo akong nanlulumo sa mga bagay na siyang dahilan kung sino ako sa ngayon. mga dahilang siyang bumabaliktad sa dapat na ako at kung sino ako. mga nakaraang kahit kailan ay hindi ko matatakasan dahil naging parte na ito nang aking buhay at pagkatao. 


mga nakaraang gumigising sa aking nangangarap na diwa na tila kadenang kahit kailan hindi ko maaabot ang aking mga simpleng pangarap na sanay kahit papano'y maramdaman ko na may sarili akong buhay. na isa rin akong taong may damdamin, puso, pangarap at mga mithiin. 


sa kabilang banda hindi pa rin ako nawawalan nang pagasa. mga panuntunnang siya kong ginagamit bilang batayan  para kahit papaano'y malihis ang aking daan at tumungo sa direksiyong ako ang pumili hindi sa kung ano ang siyang nakaguhit sa aking palad na siyang itinadhana nang ikot nang buhay. na kahit papaano'y ang ako ay dahil sa akin hindi kung ano ang itinadhana para sa akin. na kahit nakaguhit na sa aking palad ang buhay na siya kong tatahakin ay ako pa rin ang may kapangyarihan sa dahilang ako ang nagmamayari sa palad na siyang ginuhitan nito.


 DAHI AKO AY AKO AT WALANG SINUMANG MAKAPAGBABAGO NITO KUNDI ANG NAGIISANG NAGMAMAY-ARING AKO!

Nakakalungkot isipin na kung kailan nagpapakahirap gumawa nang mabuti ang isang tao para magustuhan siya bilang kaibigan ay tsaka siya di pinapansin, iniitsapwera at inaabuso.

At kung kailan napuno na ang salop nito at sinimulang isipin ang sariling kapakanan tsaka siya huhusgahan at sasabihan " lumabas din ang tunay na kulay".

Ang kasamaan lang bang paguugali nang isang tao ang batayan para sabihing yun siya at yung ang totoong siya?

Hindi man lang ba nila naisip na kaya man siya nagiging masama ay dahil sa sila ang nagpapakita nang kasamaan sa kanya?

Hindi ba nila alam na sila ang dahilan at sumasalamin lang sa kanila ang kanilang sariling pigura sa taong kanilang hinuhusgahan?

Hindi ba nila alam na para sa kanila ang mga paninirang moral na kanilang ibinabato sa taong nagbago dahil sa kanilang kakitirang pagiisip?

wALANG SANGOL ANG ISINILANG NA KASAMAAN ANG UNANG NATUTUNAN BAGO ANG KABUTIHAN NOON NGAYON AT KAILAN MAN.

sana lang kanilang mapagmuni muni at tanungin sa kanilang mga sarili
BAKIT SIYA NAGBAGO?

nakakalungkot na ang kanilang mga mata at tainga lang ang kanilang ginagamit para kilalanin ang tao hindi ang kanilang mga puso at isipan na siyang dapat.