“ emman... emman...” yugyog sa akin Jeff. “ Bumangon ka na diyan. Dalian mo. Kailangan na natin bumalik sa maynila. Nalintikan na. Lumala na ang problema kay Roan. Dalian mo!” ang nagmamadaling kilos nito. Hawak na ang tuwalya at dirediretso na sa loob nang banyo para maligo. Naiwan naman akong pupungas pungas nang mata at inisip kung ano ang nagyare.
“ ano ba nangyare doon? ”blanko kong tanong ng di ko na mawari kung ano nag dahilan. Mahirap magisip lalo na kapag kakagising lang. Nakahiga pa din ako at hinihintay kung kelan siya lalabas nang banyo. Saktong holiday pa naman ngayon at pede pa sana kaming magenjoy pa maghapon sa pagi stay sa amin pero wala na. Problema na naman.
“ sinubukan daw magtapat ni Roan sa papa niya sa sitwasyon namin pero hayun at nagalit nga ang matanda. Pinapalayas daw.” Sabay iri nito. Tumatae pala ang kumag.
“ si Roan talaga oh. Hindi din nagiisip eh no.” Blanko ko pa ding sagot. “ Dalian mo at naiihi na ako.”
“ sandali lang to. Grabe ka ha. At huwag ka magulo! Ayaw lumabas.” Mataas na boses nito para marinig ko ang boses mula sa loob.
Natawa na lang ako .
Halos trenta menutos din ako naghintay sa kanya at tuluyan na siyang natapos maligo. Nakatapis na lang ito nang tuwalya paglabas. Hawak nito ang mga damit at inihagis nang tuluyan sa basket na lagayan nang labahin sa tabi nang pinto.
“ ang tagal mo din eh no. Yaan ba ang sandali lang? Trenta menutos mo ako pinaghintay. Nanggising ka pa ha.” Sabay taas nang kamay kong may relo.
“sorry! Alam mo naman ako matagal maligo! Sige na at bilisan mo. “ utos nito sa akin.
Nakatalikod na siya at pinapagpag ang basang buhok. Hinila ko ang tuwalya niya para mahubuan ko siya sabay takbo tungo sa banyo. Gulat naman siya at mabilis na tinakpan ang harapan. Asar na asar ito na humabol sa akin habang nakatakip pa din ang dalawang kamay sa ari nito. Tawa ako nang tawa. Malalakas. Malulutong. Nagsisigaw naman ito at gustong bawiin ang tuwalyang hawak ko. galit na galit.
“ akin na yan tarantado ka!” sigaw nito pero wala na siyang nagawa dahil tuluyan na akong nakapasok sa banyo at mabilis na inilock ang pinto. Tawa pa din ako nang tawa. “ buti nga sayo!!! Nanggugulo ka kase nang gising!” sigaw ko mula sa loob.
“ paglabas mo lang... lintik lang ang walang ganti!!!” sigaw nito sabay dabog sa pinto.
“ Jeff!!! Emman!!! Ano ba iyan! Ang aga aga ang iingay niyo. Nakakabulahaw kayo ha!!!” sigaw ni mama mula sa kusina. Dinig na dinig ko pa din ang malakas na boses nito kahit nasa loob ako ng banyo.
“ si Emman po kase ma, nangaasar!!! Sagot naman nitong malakas din ang boses. Wala na ako narinig pa pagkatapos. Naligo na din ako. Nagsabon nang buong katawan at ilang sandali pa’y mabilis na lumabas nang banyo gamit gamit ang tuwalyang ginamit din ni Jeff. Pareho kaming may kanya kanyang tuwalya sa bahay at sa bahay nila pero ang gamit ko ay gamit na din niya. Mula sa mga damit, panglinis nang katawan, bag, sapatos at pati minsan mga brief naghihiraman pa kami. ganyan kami kalapit sa isa’t isa. Ang lahat nang sa akin ay kanya na din at siyempre ang kanya ay akin din. Minsan dahil mas mataba ako nang kaunti sa kanya ay maluluwang nang bahagya ang mga naiisuot niyang damit ko pero wala itong pakealam at dalang dala naman niya at kapag ako naman ang kumukuha nang mga damit niya’y halos masakal naman ako sa sikip nang mga ito . ang hilig kase nito sa body fit na mga damit. Payabang sa bato batong katawan nito samantalang ako puro taba yata. Buti na lang nagkakasya ang mga damit niya pa rin sa akin.
Lumabas na ako nang banyo at nagbibihis nang mapansin kong ngingisi ngisi ito habang kinakalikot ng cellphone. Nakabihis na ito at hinihintay na lang ako para sabay kaming bumaba nang kwarto. Hindi ko na lang pinansin ito at minadali ang sarili para makapagbihis. Ilang sandali pa’y pababa na kami at inabutan naming naghahanda na si mama nang almusal sa mesa. Nagbabasa naman si papa nang diyaryo habang nagkakape sa sala katabi ang mga kapatid kong nanonood nang tv.
“ halina kayo at kumain na. James! Nicole! Tama na iyang panonood nang tv at kumain muna kayo. Hoy Zandro, itigil mo na din yan, kumain ka muna. “ yaya ni mama. Nagsitayuan naman ang lahat at dumiretso sa mesa. Sumunod na din kami ni Jeff.
“ papa! Ok na ba pasa mo?” Tanong ko. nagsisi naman ako bigla sa nasabi ko. biglang kumunot ang noo nito.
“ ay pa, sorry pala sa ginawa ni tatay kahapon.” Paghinging paumanhin ni Jeff .
“ ok lang yun Jeff. Huwag kang magalala. Naiintindihan ko. huwag lang niyang maulit ulit yun at malilintikan uli sa akin ang tatay mo. Kahit na mas malaki ang katawan noon sa akin hinding hindi ko siya uurungan. Aba... black belter kaya ako.” Pagyayabang nito. Natawa naman kaming lahat. Parang totoo lang ha sa isip isip ko.
“papa! Turuan mo naman ako magkarate.” Birong sabad ni james.
Natawa naman kaming lahat.
“ako din papa!”ag mabilis na agaw attention ni Nicole.
“aba... sige ba. Naku mahaba habang lesson ito. Sa isang kondisyon.” Sagot ni papa. Natahik at nakinig naman ang dalawa. “tapusin niyo muna ang pagaaral niyo at kapag matataas mga grades niyo, ipapasok ko kayo sa talagang karate school.ngayong bakasyon.” Dagdag nito sabay taas nang tinidor na hawak para bigyang diin ang mga paalala.
“ yessss!!!” sigawan nang dalawa. Sinaway naman sila ni mama sa ingayan ng mga ito. Mabilis naming tumigil ang dalawa.
“ naku mama, siguradong magiging tomboy lalo si nick kapag nagkarate yan.” Sumbong ni James.
“at mabuti din para sayo dahil ako na lang lagi nagtatanggol sayo sa school sa mga bully mong kaklase. Babakla bakla kase.” Apela naman nito.
“hoy! Bawal lang makipagaway sabi ni mama.” Pagtataggol naman nito sa sarili.
“tama na iyan.” Saway ni mama. “ kayo ha umayos kayo. Tama si James Nicole, huwag kang masyadong maton maton diyan. Para kang lalake. Isa pa, hindi tama ang makipagaway sa mga mabababaw na dahilan. Lalo kang aasarin kapag pinatulan mo sila.” paalala ni mama. Natahimik naman ang dalawa.
“ kayong dalawa.” baling sa amin ni papa. “maaga yata kayo aalis ha. Bihis na bihis kayo.” Puna ni papa.
“kailangan na po kase naming bumalik sa maynila papa. May problema si Jeff sa girlfriend niya.” Sagot ko.
“ok ok. Balitaan niyo na lang kami sa mga pinaggagawa niyo doon ha.” Paalala ni papa.
Ilang sandali pa’y tapos na kaming kumain. Bumalik kami sa kwarto at nagayos nang ilang dadalhin. Dumaan muna kami sa bahay nina Jeff para magpaalam sa mga magulang nito at makuha ang mga bag namin. Tanghali na nang makarating kami sa inuupahan naming apartment. Nagpahinga sandali at nagtanghalian. Nagtake out na lang kami sa Mcdo dahil pagod na din at wala nang oras magluto sa gutom. Ilang sandali pa’y dumating na si Roan at may kasama itong babae. Maganda at sexy, sophisticated ang dating, matapang ang aura, maputi at mamula mula ang kulay, parang diyosa. Hindi ko naitago ang aking paghanga sa kanyang kagandahan. Mabuti na lang at hindi nila ako napansin. Natuon agad ang attention kay Jeff.
“ Jeff. Pwede ba tayong magusap nang masinsinan?” ang bungad agad ni Roan. Halatang seryoso ito.
Nakakagulat. Ngayon ko lang siya nakitang seryoso at akala mo susuong sa isang digmaan at mukhang hindi papatalo kahit buhay pa ang kapalit. Dahil sa wala naman silang mapwestuhan para sila lang dalawa. Hindi naman pwede sa kwarto dahil kabastusan naman yata ang sila lang dalawa doon at nasa labas kami nang kasama niya, nagdahilan na akong lumabas sandali at may bibilhin sa grocery store sa may kanto. Nahiya naman akong ayaain ang kasama nitong babae dahil hindi pa naman ito ipinapakilala ni Roan sa akin o kay Jeff man lang. Nakuha naman agad ni Jeff ang ibig kong sabihin at tumango na lang ito bilang pagsan-gayon . Nanatili namang tahimik ang babae at nang nasa pinto na ako bago tuluyang lumabas sumunod din ang babae pero hindi ko na lang pinansin.
“wait!” ang tawag sa akin nang babae. Kinabahan ako bigla. Patay na sa isip isip ko
“ samahan mo na lang ako maggrocery para may gagawin ka Miss pero kung hindi ay ok lang. Maiintindihan ko. i’m Emman, Jeff’s bestfriend and you are?” tanong kong sabay abot nang kamay ko.ang bilis ko naman yata sa isip isip ko. naku! Umandar na nga ang katorpehan ko. baka isipin niya presko ako masyado. Ewan ko ba, eto pa naman ang pinakakaayawan kong sitwasyon. Kapag kinakabahan, lumalabas ang pagkamakapal ang mukha na parang papansin. Ganun talaga ako eh. Wala na ako magagawa. Kahit anong turo ko sa sarili ko para baguhin ang ugali ko kapag napapasabak ako sa mga ganitong sitwasyon ay hindi pa rin talaga mabago bago. Hindi ako makapagisip nang maayos. Kabaliktaran na man ang impact nito sa mga taong nakakaharap ko. kesyo maangas daw ako na presko na feeling. Ay ewan. Bahala na.
“ oo kilala na kita. Nabanggit ka na sa akin ni Roan. Sobrang sweet niyo nga daw nang bestfriend mo. Daig niyo pa ang magasawa sa turingan. Lalo na nung Friday, iniwan niya ang pinsan ko sa ere para lang sa isang mahalagang bagay para sayo. Kakainggit. By the way, im Aiza Montes, first cousin of Roan.” Seryosong pagpapakilala nito sa akin sabay bitaw nang isang ngiti.
Nag-init ang mukha ko sa narinig. Hindi ko alam kung may ibig siyang sabihin sa kanyang tinuran. Hindi ko alam kung ano gusto niyang ipahiwatig pero ang sigurado ako, nagpangting ang pandinig ko sa sinabi niya. Siguro ganun lang talaga siya magsalita. Prangka.
“anong gusto mo Aiza? Ililibre kita. Ang formal kog tanong.
“ huwag na. Busog pa ako. Kanina pa kami nagtanghalian sa mall ng pinsan ko kakahintay sa inyo.” Ang mabilis niyang sagot. Walang tingin tingin.diretso lang ang lakad pero mabagal.
“wow!” sa isip isip ko. iba nga ang timpla nang babaeng ito. Galit nga yata. Masama ang tabas nang dila ah. Sige. Gusto ko na siyang iwan dahil sa inis kung hindi lang sa pinsan niyang kasintahan nang Bestfriend ko. sayang. Ang ganda pa naman. Nakakaturn off ang nasabi ko na lang sa sarili.
“pasensiya na Aiza ha. Alam kong galit ka sa gusot na kinasasangkutan nang pinsan mo at nang bestfriend ko pero isa lang ang nasisiguro ko, hindi tatalikuran ni Jeff ang responsibilidad niya.” Ang maikli kong paliwanag sa kanya. Siguro naman sapat na iyon para maibsan ang galit niya.
“ hindi na kailangan dahil ako na ang bahala sa pinsan ko. kaya na naming lusutan ito nang kami lang. Kahit wala ang duwag na Jeff na iyan” ang pranka na nitong sabi. Nagulat ako sa tinuran nito. Walang duda. Galit nga at hindi lang basta galit, nakakatunaw ang mga salita nito. Nakakadurog nang pagkatao. Magsasalita pa sana ito nang nagring bigla ang cellphone nito mula sa maliit na dala dalang pouch. Kinuha nito ang cellphone at mabilis na pinindot para masagot.
“ oh ano, tapos na ba?” ang kawalang expression nitong sagot. “ sige, pabalik na kami.” doon ko napagtantong si Roan pala ang kausap nito. Pinatay na nito ang tawag at mabilis na ibinalik sa pouch. “ halika na at uuwi na kami ni Roan.” Yaya nito.
“sandali, magrogrocery pa ako!”ang bigla kong sagot pero hindi na ako nakadahilan pa nang sabihin niyang...
“ ang kapal naman nang mukha mo! Paglalakarin mo ako magisa umuwi eh babae ako. Ihatid mo ako sa inyo.”galit nitong sabi. Biglang naginit ang ulo ko sa narinig. Kung hindi lang siya babae baka nasapak ko na ito. Pasalamat ka sa isip isip ko. wala na ako nagawa kundi bumalik kasama siya at ilang sandali pa nasa tapat na kami nang gate nang bahay. Inabutan namin si Roan sa labas na umiiyak at nagiisa. Nagulat ako sa itsura nito.
“tara na, dalian mo at may pupuntahan pa akong meeting.” At hinila na nito ang pinsang lumuluha palayo sa amin. natulala naman ako sa inasta nito. Kagandang babae kung makaasta daig pa ang diyablo sa ugali neto. bumalik na lang ako sa loob nang bahay para makibalita kay Jeff pero iba nag tumambad sa aking inaasahan.
Itutuloy...